^

Pang Movies

Sunshine, pinarinig ang totoong boses para sa dyowa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Actually ang pasok ni Sunshine Cruz sa showbusiness ay bilang isang singer noong una, pero dahil napasama nga siya agad sa That’s Entertainment, at pati ang recording company na pinasukan niya noon na Octoarts ay mas naging interesadong gawin siyang artista sa pelikula, medyo natabi ang pagiging singer niya. Pero maganda naman ang sales ng kanyang plaka noon sa Octoarts.

Noong lumaon, nakagawa pa siya ng isang album sa ibang label naman, pero ang pagkanta nga niya ay natakpan ng kanyang pagiging aktres. Mas nakilala siya bilang isang artista. Kaya hindi naman kami nagugulat kung minsang napapanood namin si Sunshine na kumakanta sa telebisyon.

Noong isang gabi, napanood namin ang isang video ni Sunshine na kinanta  ang lumang komposisyon ni Vic Sotto, ang Bakit ba Ganyan. Hindi niya karaniwang kinakanta iyon pero pinag-aralan daw niya ang kanta dahil iyon ay paborito ng boyfriend niya ngayong si Macky Mathay na birthday that day. Wala naman si Sunshine dahil naka-lockdown sa set ng ginagawa niyang teleserye, kaya gumawa siya ng video na kinakanta ang favorite song ng boyfriend niya, na siyang regalo niya para sa 41st birthday nito.

Gumamit siya ng minus one, isang cellphone, at iyong headset ng cellphone niya bilang microphone. Kaya hindi mo masasabing “enhanced” ang kanta dahil simple lang ang ginamit, at ni hindi isang recording. Mukhang matutulog na si Sunshine nang gawin iyon dahil wala na nga siyang makeup. Pero napansin namin, lumabas pa rin ang timbre ng kanyang boses. Talagang puwede pa ring singer si Sunshine. Kung iisipin, puwede pa nga siyang mag-concert.

Aba ‘di hamak na mas maganda naman ang boses niya kahit na ganoon lang ang ginamit niya sa video kaysa sa mga nagpipilit na maging singers diyan na hindi naman.

Goma at Lucy, naka-truck habang namamasyal

May bagong laruan na naman si Mayor Goma. Mayroon siyang isang bagong mini-truck, na siya niya ngayong ginagamit sa pag-iikot sa Ormoc upang makita ang mga proyektong ginagawa ng pamahalaang lungsod at makausap din ang mga tao kung ano nga ba ang pangunahin nilang kailangan.

Kasama niya sa kanyang pamamasyal si Congresswoman Lucy Torres-Gomez, para mabilis nga naman ang aksiyon kung may ibang kailangan na si Congresswoman naman ang makakatulong. Isa pa, hindi rin maikakaila na iyon ang quality time na maaaring magkasama silang namamasyal, na dati ay bihira na nilang magawa dahil sa kanilang trabaho.

Madalas pa nasa Maynila si Congresswoman Lucy dahil sa mga session ­ng House, at si Mayor naman ay naiiwan sa Ormoc.

Male star na laos na, umaasa na lang sa ayuda ng ‘kaibigang’ pulitiko

Desperado na si male star. Wala talagang dumarating na offers sa kanya. Mukhang nagsisimula na siyang malaos. Wala ring trabaho si misis, ngayon pa namang lumalaki na ang kanilang pamilya. Mabuti na lang at ang “friend” niyang politician ay hindi pa nagsasawang magbigay ng ayuda sa kanya, pero hanggang kailan?

Alam naman ninyo ang mga “friend” na ganyan basta nagsawa na o may makita nang iba, wala na rin iyan.

Nangyari na sa kanya iyan eh, mabuti nga may nakita siyang bagong “friend.” Pero bakit nga ba ang male star na iyan mahilig sa mga “friend” na politicians?

Gusto rin ba niyang maging politician pagdating ng araw? Naku, mag-aral muna siya ng Ingles.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with