^

Pang Movies

Heart, grabe ang insecurities noon

Pang-masa
Heart, grabe ang insecurities noon
Heart

MANILA, Philippines — Tulad ng karamihan, inamin ng Kapuso Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista na mayroon din siyang insecurities. Sa Facebook live niya recently na Love Yourself Live! How Self-Love Can Save You, ikinuwento ng actress na naging people-pleaser siya dahil sa mga ito. Aniya, “When I was young, I would have so much insecurities. You know, I was such a people pleaser. I mean, I still am because I want to make people happy, but I make sure to make time to make myself happy.”

Pagpapatuloy ni Heart, “We all have problems. We all have our crosses to carry. So many people to take care of, ‘yung family, ‘yung friends, and every-body that relies on you. But it really makes such a huge difference. You just pause and you take time for yourself, and you’ll be surprised (of the) many other beautiful things you could do for other people when you put yourself first and when you love yourself.”

Nang matanong kung ano ang ‘happiness’ para sa kanya, ito raw ay ang acceptance sa anumang bagay na dumating sa buhay, “You just have to accept the things you cannot change, the things that are really frustrating, and you just have to go with the flow. There are so many problems. Sometimes, you feel that it’s never-ending. But, honestly, this too shall pass. Sometimes things frustrate you, again, you just have to accept that it is what it is. But there are other things you could do to make you happy. You can take another route, ‘di ba? Some things will just end up to be perfectly the way it is for you. So, that’s just how it is.”

 Zanjoe ayaw maagawan, pinagseselosan si Paulo 

 Sa kabila ng masalimuot na paghahanap sa isang bata, aapaw ang selos at inggit sa isa’t isa ng mga karakter nina Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Arci Muñoz, at Angelica Panganiban sa ABS-CBN teleseryeng Walang Hanggang Paalam.

Nagkakapikunan na nga ang dalawang lalaki sa buhay ni Celine (Angelica) kahit iisa ang hangarin nilang matagpuan ang nakidnap na si Robbie. Habang kumakapit si Celine sa pangako ni Emman (Paulo) na gagawin nito ang lahat para mailigtas ang anak nila, hindi naman mapigilan ni Anton (Zanjoe) ang magselos sa dating kasintahan ng nobya.

Simula lamang ito ng titinding paligsahan sa pagitan ng dalawang lalaki, dahil mag-aagawan silang dalawa sa tiwala ni Celine. Hindi naman papayag si Anton na makalamang ang kalaban, at walang pagod na ipapakita kay Celine na siya ang mas nagmamalasakit sa bata.

Maging sa pagitan ng mga babae ay namumuo na rin ang tensyon dahil hindi nagugustuhan ni Celine ang pagiging bibo ni Sam (Arci) sa paghahanap kay Robbie.

Isa namang malaking problema ang haharapin ni Anton dahil inamin na sa kanya ng kanyang kapatid na si Amelia (Cherry Pie Picache) na ito ang nagpa-kidnap kay Robbie upang mailigtas ang sariling anak na malubha na ang kondisyon.

Magawa kaya ni Anton na sabihin kay Celine ang kanyang malagim na katotohanan? Hahayaan ba niyang patayin si Robbie para tuluyan nang mawala si Emman sa kanilang buhay?

Napapanood na ang bagong episodes ng Walang Hanggang Paalam sa A2Z Channel 11 analog TV gabi-gabi ng 9:20 p.m. sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mga reyna ng Aliwan, nag-share ng napanalunan

Ibinahagi kamakailan ni Jannarie Zarzoso, bagong hirang na Aliwan Fiesta Digital Queen 2020, ang katumbas ng halagang P50,000 na kanyang napanalunan sa Feed, Save, and Protect program ng Philippine National Police, sa harap ng punong-lungsod ng Cabadbaran, Agusan del Norte na si Mayor Judy Amante.  Kapwa pulis ang mga magulang ni Zarzoso, isang 22 anyos na accounting technology graduate na sinuportahan ng lubos ng mga taga-CARAGA sa patimpalak ng Manila Broadcasting Company na ginanap online.

And kanyang first runner-up na si Jasmin Omay, tubong Tarlac at nag-aral maging piloto, ay ibinigay naman ang P25,000 sa Kythe Foundation, na tumutulong mag-alaga sa mga batang may kanser.  Si Alyssa May Nicholls naman ng Isulan, ay inihandog ang P15,000 sa wildlife preservation ng Sultan Kudarat na nasa ilalim ng tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources, sa pamumuno ni Datu Yahiya G. Sinenggayan, at sinaksihan ni Bai Rihan Mangudadatu Sakaluran, Representante sa Kongreso para sa Unang Distrito ng lalawigan. 

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with