^

Pang Movies

Kim at Maja, may tapatang magaganap!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kim at Maja, may tapatang magaganap!
Maja

Ang matinding tapatan ng ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN (na mapapanood na sa A2Z Channel 11) at Sunday Noontime Live (SNL) ng TV5 sa Sunday (October 18)!

Naku, Ateng Salve, tiyak na tututukan ang dalawang shows na ‘yon dahil si Mr. M (Johnny Manahan) na mamamahala sa SNL ang dating namamahala sa ASAP Natin ‘To, huh!

Parehong live na live ang dalawang shows. Handang-handa ang ASAP Natin ‘To sa pagtapat sa kanila ng SNL na produced ng Brightlight Productions ng dating politician na si Mr. Albee Benitez!

Of course, katapat din nila ang All Out Sunday ng GMA 7, pero siyempre, dahil galing nga sa ASAP Natin ‘To ang karamihan ng main hosts ng SNL, sa pangu­nguna ni Piolo Pascual, natural na ang tapatan ng ABS-CBN at TV5 ang tututukan!

Speaking of SNL, isa sa main hosts si Jake Ejercito na tuluyan na talagang nagpaka-active sa kanyang showbiz career.

Sa isang online event kamakailan ay plinay time si Jake at sinabing dapat ay kumanta’t magsayaw rin siya sa SNL. Pero hindi siya kumakanta at sumasayaw, kaya definitely ay hosting lang ang gagawin niya sa show kasama sina Papa P, Catriona Gray, Donny Pangilinan at Maja Salvador (na magiging pambato ng SNL sa sayawan at pangtapat kay Kim Chiu na pambato naman ng ASAP Natin ‘To sa sayawan).

Pooh, dalawa agad ang show sa TV5

Mukhang certified TV5 star na rin ang comedian na si Pooh.

Bukod sa Sunday ‘Kada gag show niya na magpa-pilot telecast on Sunday (after ng SNL), kasama rin siya sa Stay In Love, ang romantic-comedy series na pagtatambalan nina Maris Racal at Kokoy de Santos na line produced ng Cornerstone Entertainment for Cignal at ipapalabas sa TV5 sa buwan ng November.

At least, dalawa kaagad ang trabaho ni Pooh sa TV5, huh!

Back-to-back nina Kris at Korina, naudlot

Naku, Ateng Salve, excited na ako sa pa-presscon (virtually) bukas ng TV5 at Brighlight Productions, huh!

Puwede kayang matanong ang Papa Albee ni Manay Lolit Solis tungkol sa iba’t ibang mga tsika tungkol sa production company niya?

Sagutin kaya ni Papa Albee ang tsikang noong una ay plinano nila na gawan ng back-to-back shows sina Korina Sanchez at Kris Aquino?

Nabulilyaso lang daw ‘yon dahil may isang nag-NO at ayaw ng back-to back shows?

vuukle comment

ASAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with