^

Pang Movies

Pokwang nagluluksa sa inang pumanaw

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pumanaw na ang nanay Gloria ng komedyanteng si Pokwang. Inihayag ito ni Pokies sa kanyang Instagram kahapon na kalakip ang litrato ng ina.

Saad ni Pokwang sa caption, “Every one…Ito ang aking nanay…si Nanay Gloria. The best nanay sa buong mundo wohoo…

“I love you soooo much…kundi dahil sa kanya wala ako sa earth para mapasaya kayo.

 “Salamat nanay kong mahal! Hanggang sa muling pagkikita #RIPnanayGloria.”

Ang nanay niya ang dahilan kung bakit kahit may pandemya ay kumaka­yod pa rin siya. Tweet niya, gusto niyang madugtungan ang buhay ng mama niya.

“Salamat sa pagmamahal mo at kalinga saming mga anak mo at apo. Paa­lam mama ko mahal ka namin sobra…”

Ang aming pakikiramay. Wala nang ibang detalyeng sinabi si Pokwang sa rason ng pagpanaw ng ina.

Inayawan ni Marian, itutuloy ng GMA

TULOY na tuloy pa rin ang paggawa ng GMA Network ng First Yaya. Ito ang project na inayawan ni Marian Rivera dahil na rin sa takot sa coronavirus para sa kapakanan ng dalawang batang anak.

Sa Lunes, sa 24 Oras, ang announcement kung sino ang kapalit ni Yan sa project.

Of course, wala namang issue kay Marian kung palitan siya dahil naiintindihan naman ng GMA bosses ang rason niya.

 Suwerte ng mapipiling kapalit dahil magandang project ito lalo na’t si Gabby Concepcion ang kapareha niya.

vuukle comment

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with