^

Pang Movies

Alessandra dinadagsa pa rin ng food ayuda

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Alessandra dinadagsa pa rin ng food ayuda

Kinaawaan na paubos na ang datung

MANILA, Philippines — Proud boyfriend si director Rico Gutierrez nang i-congratulate ang GF na si Alessandra de Rossi. “ADR” lang ang pinost ni direk Rico, kaya tinanong namin ito kung ano ang ibig sabihin ng kanyang post. Ayun, sumagot na album ng aktres ang kanyang tinutukoy at logo pala ang “ADR.”

Wala nga lang ibinigay na info si direk Rico, gaya ng kailan ang release ng album, kung sino ang record producer o baka si Alex din. Minsan, parang nabasa naming biniro  ni Alex ang sister niyang si Assunta de Rossi-Ledesma na i-prodyus ang kanyang album, kaya hindi natin alam kung co-producer nga si Assunta sa album ng kapatid.

May pinost si Alex sa kanyang Instagram na isa sa track ng kanyang album at dahil may IG account ang ADR, binisita namin at doon naka-post ang two tracks sa album niya. Noon pa namin sinasabi na gusto namin ang style ni Alex, hindi birit, swabe lang, chill music, very natural at cool. Ang genre ng music ni Alex ay ambient/electropop/ethereal wave/new age.

Nabasa rin namin sa IG ng ADR Music na release na worldwide on all digital platforms ang single ni Alex na Make It Better. Susunod na ang release ng kanyang album na Adrift.

Speaking of Alex, tuloy pa rin ang dating ng food ayuda sa kanya ng mga kaibigan at kahit hindi niya mga kilala mula nang masulat na malapit nang maubos ang pera niya sa kanyang ATM. Hindi nga siya makapagtrabaho dahil takot mahawa ng Covid-19, kaya ayaw lumabas ng bahay.

Mula nang mabasa at mapanood ang guesting niya sa Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdez, tuluy-tuloy na ang pagpapadala sa kanya ng food ayuda.

Biro nga ng followers ni Alex, mamigay naman siya ng food dahil tiyak na hindi niya mauubos ang mga ipinapadala sa kanya sa rami.

vuukle comment

RICO GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with