^

Pang Movies

Angel tumaba na naman sa gamot!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Na-shock na naman ang mga netizens sa latest viral photos ni Angel Locsin. Spotted ang aktres few days ago sa harap ng Our Lady Grace Church at ipinost ng isang Facebook user ang mga larawan nito.

“Nagsimba lang naman kami nakita ko na si Angel Locsin.super gandaaaa. Sabi nya samin ‘Hi po sorry sandali lang po ah’,” ang bungad ng netizen sa caption.

Nilinaw din ng nag-post na hindi niya in-edit ang mga larawan. “Di yan edited mga kadarna ano ba HAHAHAHAA Imsg nyo ko send ko video HAHAHAHA,” ang nakasaad pa sa caption.

Kitang-kita sa mga larawan na malaki na naman ang nadagdag sa timbang niya kaysa sa huling nag-viral niyang larawan last June.

Sa comments section ay ipinahayag ng netizens ang kanilang pagkagulat pero at the same time ay puring-puri pa rin nila ang beauty ng aktres.

“Mataba pero Dyosa,” “tumaba but still maganda pa rin,” “ang taba niya pero ang ganda nyan inside and out,” “grabe ang taba ni Angel,” ang ilan sa mga komento ng netizens.

Ang ibang netizens naman ay ipinaliwanag na kaya raw tumaba si Angel ay dahil side effect ito ng gamot na iniinom ng aktres.

Matatandaang noong 2015 ay nagkaroon ng spine injury si Angel na naging dahilan nga para mag-back out siya sa pelikulang Darna. She had to undergo some treatments and operations. Sinasabing marami ring gamot na ininom ang aktres for her maintenance at ‘yun daw ang dahilan kaya tumaba ito.

Bagitong aktor handang maghubad sa unang pelikula

Hindi makapaniwala si Sean de Guzman ng Clique 5 na siya ang mapipili para maging bida at title role sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na ididirehe ng batikan at magaling na direktor na si Joel Lamangan. “Hanggang ngayon po, hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong opportunity sa akin na ibinigay,” sabi ni Sean sa presscon held last Wednesday kung saan ay ipinakilala siya sa selected entertainment press as the final choice to play the lead role.

Ayon nga kay direk Joel, napakarami raw aktor na nag-audition for the role, pero si Sean ang napili nila ng producer na si Joed Serrano dahil nagtataglay raw ang newbie ng kainosentehan tulad ng innocence look ni Allan Paule na gumanap naman sa pelikulang Macho Dancer noong 1988.

Ang Anak ng Macho Dancer ay sequel ng Macho Dancer ni Allan Paule na idinirihe naman ng yumaong magaling na direktor na si Lino Brocka. “Parang nakita ko sa kanya si Allan Paule noong bata pa,” ani direk Joel.

Bukod dito ay na-meet din ni Sean ang qualification na magaling magsayaw since member nga ito ng Clique 5 na isang sing and dance boy group.

Just like Macho Dancer, obvious na isa ring sexy film ang sequel at maituturing talaga na “baptism of fire” para kay Sean. Pero ayon sa bagitong aktor, handa naman daw siya na ipakita ang lahat-lahat para sa pelikula at wala raw limitasyon.

Kasama rin sa movie ang mga nagsipagganap sa Macho Dancer na sina Allan, Jacklyn Jose and William Lorenzo kaya aminado rin si Sean na napakala­king pressure ito for him plus the fact na si direk Joel pa ang direktor.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with