^

Pang Movies

Buboy, two years nang hiwalay sa nanay ng mga anak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Buboy, two years nang hiwalay sa nanay ng mga anak

Nakakuha naman ng suporta si Kapuso actor Buboy Villar sa netizens nang lumabas na ang balitang tuluyan na silang naghiwalay ng American girlfriend na si Angillyn Gorens at naiwan sa kanya ang dalawa nilang anak, sina Vlanz Karollyn, 3, at George Michael, 1.  May mga nang-bash pa nga kay Angillyn na hindi raw siya mabuting ina, pero ipinagtanggol pa rin siya ni Buboy, sa pagsasabing two years na ring wala na silang relasyon. Pero on speaking terms daw sila ni Angillyn, ayon kay Buboy sa 24 Oras, at nag-usap na sila tungkol sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak.

Mahusay na actor, hindi nawawalan ng project si Buboy sa GMA Network, at sa ngayon may upco­ming project siya sa GMA Public Affairs na dapat ay nagsimula na noon pero inabutan sila ng pandemic.

Anak ni Sharon na si Miel, kuhang-kuha na ang kanyang High School Life ...

Ang saya siguro kapag nagkakantahan sina Sharon Cuneta at mga anak na sina Kakie at Miel sa kanilang bahay, parang may concert. Lahat kasi sila ay magaganda ang boses at kahit si Sena­tor Kiko Pangilinan ay maganda rin ang boses. Pinost kasi ni Mega sa kanyang YouTube channel ang pagkanta nilang mag-iina bilang pagpupugay nila sa lahat ng mga guro na nag-attend ng Gabay Guro virtual presentation last October 3. 

Almost 300K views at more than 1,300 comments ang nakuha ng video. Mga song ni Sharon ang kinanta ng magkapatid, Miel sang High School Life, at Mr. DJ naman ang kinanta ni Kakie at trio sila sa pagkanta ng To Love Again.

Caption ni Sharon, “Many noticed how Miel sounded exactly me when I first recorded : High School Life at 14! And Kakie, by now is a pro.”

vuukle comment

BUBOY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with