^

Pang Movies

New normal... MMFF at PPP hindi na mapapanood sa mga sinehan, digital na lang

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Tuluyan na kayang magsasara ang mga sinehan dahil pati ang pinakamalaking movie filmfest ng bansa tuwing Pasko, ang Metro Manila Film Festival ay digital edition na rin ang magiging ganap sa December?

Yes, magiging online na lang ang Metro Manila Film Festival 2020. Ito ang announcement ng MMFF executive committee through their spokesperson Noel Ferrer sa social media kagabi.

Ayon kay Noel, walang urungan ang film fiesta tuwing Pasko, this year nga lang, dahil sa pandemya na parang magtatagal pa, online na lang, ayon sa ginanap na meeting ng MMFF kahapon.

Magkakaroon ng announcement ang magiging partner nila para sa kauna-unahang digital filmfest ng mga pelikulang Tagalog na tradition na tuwing Pasko.

Pero bago ang MMFF, digital na rin this year ang gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 4 na diumano’y mahigit sa 100 na pelikula ang ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ika-4 na PPP mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel.

Wow, talagang new normal life na ang kasaluyan at malabo na talagang makabalik sa old normal. Ito na kaya ang katapusan ng mga sinehan?

‘Wag naman sana. Iba ang happiness ng panonood sa mga sinehan. Ibang excitement.

Nauna nang nagkaroon ng Cinemalaya last August, digital edition din.

Kakalungkot ito. Lalo na sa mga batang naghihintay mag-Pasko at sumugod sa mga sinehan para manood ng mga pelikula nina Vice Ganda, Vic Sotto, Coco Martin, among others na alam mo namang corny pero aliw na aliw sila sa panonood.

Talagang massive as in napuruhan ng epekto ng pandemic ang movie industry.

Glaiza natutong rumespeto sa dagat

 Ibinahagi ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang mga natutunan niya nang manirahan siya sa Baler simula Marso. Kahit pa malayo sa kanyang nakasa­nayang city life, super enjoy at marami raw realizations si Glaiza sa kanyang buhay-probinsya kasama ang pamilya. Isa sa bagong hobby ng aktres ang surfing na malaki raw ang naitutulong hindi lang sa kanyang page-ehersisyo pati na rin sa kanyang mental health, “Hindi lang kami nakakapag-ehersisyo kundi nababawasan din kahit paano ang anxiety at depresyon dulot ng pandemya.”

Nagpapasalamat din si Glaiza sa mga nakakasabay niyang locals na nagturo sa kanya ng surfing tips at kahalagahan ng pagrespeto sa karagatan.

Aniya, “Pero una ko talagang natutunan dito ay ang respeto. Respeto sa dagat at sa mga nasa dagat. Kaya sa lahat po ng nga nakakasabay ko na locals, salamat sa mga tips n’yo, di ko man alam mga pangalan ng iba sa inyo; at syempre sa mga naging regular ko nang kasama, salamat sa inspirasyon.”

Samantala, mapapanood si Glaiza at ilan pang bigating Kapuso stars sa star-studded episode ng All-Out Sundays ngayong Linggo sa GMA-7!

vuukle comment

METRO MANILA FILM FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with