^

Pang Movies

Kristoffer, may trauma sa pagpositibo sa COVID ng buong pamilya

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kristoffer, may trauma sa pagpositibo sa COVID ng buong pamilya
Kristoffer

Karamay ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang mga showbiz friend na sina Bea Binene at Alden Richards, fans at non-showbiz friends dahil nadale ng COVID-19 ang ama, ina at kapatid nang sabay-sabay!

Bahagi ng update ni Kristoffer “Iba ‘yung bagsak ko nu’ng na-confirm ko na nag-positive sila.

“Ang layo ko pero pinili ko na umuwi ng Gapo. Kasi kailangan nila ako. Pag bibili ng gamot, ng groceries, ng iba pang kailangan nila kasi bawal sila lumabas ng bahay.

“Isa-isa ko silang tinatawagan just to check. Lalo na si Dad diabetic. Iba ‘yung trauma. ‘Yung mga thoughts ko kung saan-saan na napupunta. Mahirap kasi ‘yung feeling na mag-isa kang dapat maging matapang kasi ikaw lang ang maaasahan.”

Malaki rin daw ang naitulong ng mga kaibigan niyang si Bea at Alden.

Araw-araw tumatawag sa kanya si Bea to check sa magulang at kapatid.

“Kay @aldenrichards02 na pag ‘di ko na talaga kinaya, ‘yung sbrang breakdown, matic siya ang tinatawagan ko.

“Isa ‘yon talaga sa nagpapakalma sa mental state ko at lagi akong ina-assure na gagaling sila mama,”saad ni Kristoffer sa Instagram.

Patuloy lang ang panalangin ng aktor na gumaling ang pamilya at sa post pa niya ng picture ng magulang at kapatid, “Claiming it already, “MY THREE SURVIVORS!””

Nakakawindang ‘yung pinagdaraanan ngayon ni Kristoffer, huh!

vuukle comment

COVID-19

KRISTOFFER MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with