^

Pang Movies

KC, tahimik ‘pag tinatanong tungkol sa kasal

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
KC, tahimik �pag tinatanong tungkol sa kasal
KC

Napaluwas ng Manila si KC Concepcion mula sa matagal na pananatili sa The Farm ng San Benito, Lipa sa Batangas para sa kasal ng mga kaibigang sina Bea Fabregas at Nikko Ramos. May mga nag-comment na extra beautiful si KC that day at ang sagot nito, para sa kasal ng kanyang mga kaibigan ang pag-aayos niya.

Halos lahat ng nag-comment, sinagot ni KC, pero ‘yung comment na sana, siya na ang sunod na ikasal, hindi sinagot ni KC. Sinasabi naman kasi nito na wala siyang lovelife ngayon, kaya malabo ang sinasabi ng mga nagmamahal sa kanya na makita nila siyang ikinakasal na.

Pero ang fans nina KC at Piolo Pascual, umaasa pa ring magkakaroon ng part two ang kanilang relasyon. Ayaw nilang mag-give up sa pag-asang darating ang araw na muling magtatagpo ang ex-couple para ipagpatuloy ang kanilang natapos na romansa.

Example nga na hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang fans nina KC at Piolo, ang pangalan ng pet dog ni Piolo na si Paco ang ibig sabihin daw ay Pascual at Concepcion. O, ‘di ba? ang galing ng nakaisip noon?

Rayver belong na belong na sa pamilya ni Janine

Napagbigyan ni Janine Gutierrez ang request ng fans nila ng boyfriend na si Rayver Cruz na sana, bago matapos ang kanilang bakasyon sa El Nido, Palawan at bago sila bumalik ng Manila, may picture man lang silang magkasama.

Hindi lang picture nila ni Rayver ang pinost ni Janine, kundi video na kung saan, nagka-kayak yata sila. Mas kinilig pa ang JayVer fans dahil sa caption ni Janine na “thank you for the best weekend, fammies. I love you. TYL,” ang comment ni Rayver ay “ILY.”

Hindi lang bonding nina Janine at Rayver ang bakasyon nila sa El Nido, siblings bon-ding din nina Janine at ng mga kapatid na sina Jessica, Diego, at Max. Kaya tuwang-tuwa si Lotlot de Leon dahil close ang mga anak at sa mga bakasyon nga ni Janine, lagi nitong kasama ang mga kapatid.

Samantala, may gagawing pelikula si Janine kasama si JC Santos under TBA Studios. Hihiramin muna ni Janine si JC kay Bela Padilla at hindi rin naman ito ang first movie together nina Janine at JC dahil magkasama sila sa award-winning movie na Babae at Baril.

Sexy comedy movie nila Janno, matutuloy na

Nagsimula na pala ang shooting ng Viva Films movie na magkakasama sina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles, at Andrew E. Isa ito sa mga pelikula ng Viva na in-announce sa presscon nila last year na gagawin this 2020. Noon pa ito dapat nasimulan, hindi lang magawa dahil sa COVID-19.

Another sexy comedy movie ito sa direction ni Al Tantay at mga naggagandahang aktres ang kasama. Gaya nina Maui Taylor, Sheree, at iba pang sexy stars ng Viva Films. Nasa cast din sina Marissa Sanchez at Angelu de Leon na aminadong hindi siya sexy, pero masaya na nakasama sa cast.

Sa mga nakita naming photos na pinost ni Janno, nagpa-swab test sila bago ang shooting at sa shooting, naka-face mask at naka-face shields na inaalis nila kapag eksena na.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with