^

Pang Movies

Megan, iniyakan ang ‘hiwalayan’ nila ni Mikael

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Megan, iniyakan ang �hiwalayan� nila ni Mikael
Megan at Mikael

So in love pala talaga si Kapuso actress Megan Young sa husband niyang si Mikael Daez, na isipin lamang niyang maghihiwalay silang mag-asawa, hindi niya kakayanin.

Tawa nang tawa si Mikael nang i-post niya sa Instagram nilang mag-asawa ang nangyari sa brainstorming sessions nila para sa kanilang susunod na podcast.  Nag-isip sila ng juicy topics, nang sabihin ni Mikael na ‘paano kung maghiwalay tayo?’ Bigla na lamang umiyak si Megan, na ikinagulat ni Mikael at nang tanungin niya kung bakit, “kasi naman pinag-uusapan natin topic sa podcast bigla mong sinabi na maghihiwalay tayo?”  “So, hindi natin gagawing topic?” tanong ni Mikael na sinagot naman ni Megan ng “Oh, my God!” Pero isinulat din pala ni Megan ang topic na sinabi ni Mikael.

Nine years ang naging relasyon nina Mikael at Megan bago sila nagpakasal, at wala pa silang one year married, kaya siguro hindi ma-take ni Megan na magkakahiwalay sila ng Mikael.

Ito ngayon ang problema, paano nga kung matagal silang magkakahiwalay kapag nagbalik-trabaho na si Mikael? Nakahanda na kasi ang lock-in taping ng cast ng Love of my Life ng GMA Network this month, na binubuo nina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael at si Ms. Coney Reyes.

Ayon kay Carla, 100 days daw ang lock-in taping nila, kaya dala na nilang lahat ang mga damit at mga gamit na kailangan nila sa taping.  Hindi kasi sila pwedeng lumabas sa location, hindi rin sila puwedeng dalawin, bilang pagsunod sa health protocols na inisyu ng IATF para sa kaligtasan ng lahat ng involved sa trabaho. 

So, matagal na magkakahiwalay sina Mikael at Megan, pero sigurado namang maiintindihan ito ni Megan, na alam naming malapit na ring mag-taping sa bago nilang teleserye nina Dennis Trillo, Alice Dixson at Bianca Umali.

RitKen, nahihirapang mag-cheer up ng mga natatanggal sa Clash...

Last weekend ay napanood na ang The Clash Season 3 at maraming pumuri sa mabilis pero maayos na presentation ng original musical competition with Clash Masters Rayver Cruz and Julie Anne San Jose, at Clash Judges na sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Pero hindi pala madali ang pagiging Journey Hosts nina Ken Chan at Rita Daniela, na taga-comfort ng mga natatanggal na contestants. 

vuukle comment

MEGAN YOUNG

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with