^

Pang Movies

Sharon nagluluksa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon nagluluksa!
Sharon

Napansin ng mga fans ni Megastar Sharon Cune­ta na September 21, 2020 pa ang last post niya sa kanyang social media accounts. Kaya nag-worry sila dahil very active ni Shawie sa social media, kaya nagtataka sila kung bakit tahimik ang actress at wala silang nababasang updates. Nakarating pala ito kay Sharon kaya muli niyang binuksan ang kanyang socmed accounts.

Live ang video post niya: “Hope you are all okay. Going offline for a bit. Socmed/mobile phone detox muna. Sorry if I’ve been absent, but I’m okey, I’m just resting, head, body and soul. Sorry if I’m not texting or replying. Love you all and God bless you. Miss you all. Keep safe!”

Pero ilang oras pa lamang muling nag-post si Sharon sa kanyang Instagram. Heartbroken daw siya, na dahil sa pagpapahinga muna niya sa socmed, wala nga siyang ibang balitang natatanggap until may nagsabi sa kanya na pumanaw si Remy Ramirez, ang president ng kanyang The Solid Sharon Cuneta Fans Club na natatag noon pang late ‘70s. Una pa raw niyang nakilala si Remy bago ang Papa ni KC. “I feel like I just lost another part of my youth. Maraming-maraming salamat sa pagmamahal at loyalty mo sa akin. Mahal na mahal kita.”

Marian mapapanood uli sa K-Drama adaptation

Natuwa ang fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na muli nilang mapapanood ang actress dahil ibabalik ng GMA Network ang Temptation of Wife, na sinasabing pinakamagandang Philippine adaptation ng mga Koreanove­lang ipinalabas na rito noon. Muling mapapanood din ang mahusay na pagganap nina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafale Rosell, sa direksyon ni Dominic Zapata.

Mapapanood ang Temptation of Wife Mondays to Fridays bago ang Eat Bulaga at Saturdays, simula 10:45 a.m. bago rin ang EB.

Frontline..., umpisa na bukas

Ngayong Monday, October 5, magsisimula nang mapanood ang bagong news program ng TV5, na Frontline Pilipinas na ang mga anchors ay sina Raffy Tulfo, Cheryl Cosim, Luchi Cruz-Valdes, Ed Lingao at Lourd de Veyra.

Mapapanood ang Frontline Pilipinas mula 6:30 – 7:30 p.m. sa TV5 at OnePh, Lunes hanggang Biyernes at 8:00 p.m. naman sa One PH Channel 1 sa Cignal TV.

vuukle comment

SHARON CUNE­TA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with