Maumbok ang mukha Janella at Markus, lumutang na magkasama
Ahh nagpakita palang magkasama sina Janella Salvador at Markus Paterson na diumano’y nasa UK sa kasalukuyan.
Sa lumabas na online photos nila, medyo maumbok ang mukha ng Kapamilya actress sa live session ni Markus for Right Here Right Now sa sumisikat na Kumu app.
Hawak ng talent arm ng ABS-CBN na RISE Artists Studio ang career ni Markus kaya nakasama siya sa nasabing digital event.
Matagal nang nababalitang diumano’y preggy si Janella pero walang nagsasalita sa kanila kung chismis lang ba ‘yun o totoo.
Nasa UK din ang mother ni Janella na si Jenine Desiderio base sa kanilang social media postings.
- Latest