^

Pang Movies

Jasmine, nagustuhan ang pagiging frontliner

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jasmine, nagustuhan ang pagiging frontliner
Jasmine

Tonight na ang finale episode ng new drama anthology na I Can See You: Love On The Balcony, at thankful ang GMA na nagustuhan ng netizens ang new offering nila. 

Una ito sa four mini-series na hinangaan ang acting ng lead stars na sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Napapanahon din daw ang story dahil sa pinagdadaanan nating pandemic. Natuwa rin ang mga netizens dahil muli raw nilang nakitang umaarte si Alden, nagagalit, umiiyak at na-in love na matagal na nilang na-miss.

Nagustuhan naman ni Jasmine ang pagiging frontliner niya at naranasan daw niya kahit sa role lamang, kung paano tinatanggap ng frontliners ang pambabatikos dahil may discrimination sa mga tulad nila na nagtatrabaho sa hospital.

Inaabangan na kung ano ang magiging ending ng relasyon nina Gio at Lea at kung mapapatawad ba ni Gio ang inang pinilit niyang kalimutan dahil sa pang-iiwan sa kanya nito noong bata pa lamang siya. Mapapanood ang finale ng ICSY: Love On The Balcony tonight at 9:15 p.m. after Encantadia sa GMA-7.

Tadhana ni Marian, handa na ang bagong episodes

Nagbabalik muli si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera as host ng mga fresh episodes ng OFW documentary na Tadhana.  At ipinagpasalamat ni Marian na pinayagan siya ng GMA Network na sa bahay na lamang muna magtrabaho at ang husband pang si Dingdong Dantes ang nagdirek sa taping niya.

Ngayong Sabado, 3:15 p.m., bibida sa bagong episode si Katrina Halili na naging biktima ng sexual at physical abuse ng asawang si Jason Abalos habang naka-lockdown.

vuukle comment

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with