^

Pang Movies

Kris, babawi sa wedding gown!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kris, babawi sa wedding gown!
Kris

MANILA, Philippines — Masaya na si Kris Bernal sa huling post niya sa kanyang Instagram account dahil nagkita na sila ng fiancé niyang si Perry Choi.

Magmula nang pumutok ang pandemya, bihira lang daw talaga silang nagkikita at talagang pina-practice daw nila ang social distancing. Kaya wala raw siyang yakapan, lalo na ang halikan.

Kaya noong nagkita sila kamakailan lang, masaya siyang ipinost ito sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi ni Kris sa amin nang nakatsikahan namin sa DZRH noong nakaraang linggo, na hindi pa raw sila makapag-decide kung sa May o September next year daw sila magpapakasal.

Ang unang plano kasi nila, gusto talaga ni Kris na magarbo ang wedding nila na maimbitahan daw niya ang lahat na pamilya at mga kaibigan.

Pero dahil nga sa pandemic, napag-isipan daw nilang simple na lang.

Sa church pa rin daw pero limitado na ang mga iimbitahin at simple na lang daw, para yung gagastusin daw nila sa kasal ay gagamitin na lang sa ipagagawa nilang bahay.

“Simple lang pero yung makapag-gown naman ako ng bonggang-bongga. Kahit sa gown man lang,” napapangiting pahayag ni Kris.

Siyempre sa mga close friend daw niya, ang mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla raw ang ilan sa mga una niyang iimbitahin.

Gov. Daniel, nagdemanda

Kinasuhan na pala ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang isang grupo na tinatawag na Grupong Bantay Kaban-Bulacan dahil sa fake news daw na ikinakalat sa kanilang blog.

Nagulat si Gov. Fernando nang ikinalat daw ng grupo ang isang fake na purchase order slip na bumili raw ang Kapitolyo ng mga manok na nagkakahalaga ng tig-1,223 kada piraso. “Sino ba naman ang maniniwala sa mahigit isang libong presyo ng manok?” bulalas ni Gov. Fernando nang nakapanayam ito sa DZRH noong nakaraang Biyernes ng hapon.

Malinaw daw na pineke ang purchase order na ipinakita nila, dahil hindi raw ganoon ang pirma niya sa mga totoong purchase orders nila.

Ipinapalabas daw nilang ang mga manok na binili ay para sa relief good sa mga taga-Bulacan.

Kaya nag-file na raw siya ng demanda sa grupong ito dahil iyon ay isang ma­linaw na paninira raw sa kanya.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with