^

Pang Movies

Paulo, itinangging maldita si Angelica

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Paulo, itinangging maldita si Angelica
Angelica

Obviously, Salve A., kaya ‘di makita ni Angelica Panganiban ang sarili na magtrabaho sa ibang network, ay dahil six years old pa lang siya nang maging Kapamilya.

Her first TV show was Love Note. Nagkaroon siya ng regular shows in the 1990s.

That was when she proved she has the making of a good actress, for which reason, naging leading lady siya ng lahat halos ng magagaling na actors ng ABS-CBN at Star Cinema, kabilang na sina Aga Muhlach, John Lloyd Cruz at Piolo Pascual, among others.

Twice niyang naging boyfriend si Carlo Aquino, na huling naging leading man sa Excess Baggage.

In her new teleserye, which is set to air today, Walang Hanggang Paalam, na last series na kanyang gagawin, proclaimed niya, she has for her leading man, Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.

Angelica is currently the host of a new online show, Ask Angelica aired Fridays.

Nanghihinayang naman si Paulo sa desisyon ni Angelica na hindi na nga gagawa ng teleserye. Yes, after Walang Hanggang Paalam.

Magaling daw kasi itong artista. Nakailang ulit na rin kasi silang nagtambal sa ilang series, kabilang na ang pelikulang The Unmarried Wife, which also starred Dingdong Dantes.

Asked if true na supladita o maldita ito, kaya hindi natatagalan ng boyfriend, Paulo’s quick reply, “Mabait siya. And I can swear to that.”

Tom ibang internet account ang binabayaran!

Careful tayo, Salve A., when paying our internet account at baka matulad tayo kay Tom Rodriguez, na nabigla raw nang ma-cut ang kanyang internet, dahil ibang account pala ang kanyang binabayaran.

Our advice kay Tom, get yourself a good assistant or secretary.

O, humingi ka ng tulong sa girlfriend mong si Carla Abellana.

Suggestion lang.

Para kaya sa 2022? Sen. Manny, itutulong ang kikitain kay McGregor

Hindi pa man sigurado kung matutuloy o hindi ang supposed possible fight between boxing champs Manny Pacquiao at Conor McGregor, may sigurado na raw na pupuntahan ang kikitain ni Sen. Manny sa labang ito, manalo o matalo man siya.

Sa mga underprivileged daw na Pilipino, lalo’t prediction nga na posibleng in more than a year pa bago magbalik sa normal ang pangkabuhayan natin.

Hayan, Salve A., at ‘di tuloy napigilang magtanong ng ibang mga taga-showbiz, na kung hindi raw ba nagpe-prepare si Sen. Manny sa election 2022?

Matindi kasi ang balitang tatakbo siya for president.

Kaya?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with