^

Pang Movies

Jasmine, nakakaramdam ng pressure

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jasmine, nakakaramdam ng pressure
Jasmine

Tonight, September 28 na ang premiere telecast ng pinakabagong week-long series na Love On The Balcony, ang first episode sa four-week series ng bagong drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You.

Inamin ng bumubuo ng cast na sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Pancho Magno, na may pressures din sa kanila ang pagsisimula ng serye, iyon ay kung paano tatanggapin ng viewers ang kanilang proyekto pagkatapos ng ilang buwang walang nagti-taping ng bagong shows, dahil sa nagaganap na pandemic.

Ayon kay Jasmine, may pressure daw siguro dahil ang kanilang episode ang unang ipalalabas, but she hopes na magugustuhan ng viewers ang love story nina Gio (Alden) at Lea (Jasmine) na naaayon sa nangyayaring pandemic ngayon. 

Sa story kasi isang nurse frontliner si Lea, at isa namang wedding videographer si Gio.  Magiging nurse si Lea ng maysakit na mom ni Gio.  Pero may malungkot palang nakaraan si Gio, mapasaya kaya siya ni Lea sa end ng story, na dinirek ni LA Madridejos, 9:15 p.m., pagkatapos ng Encantadia.

Dingdong, negatibo rin sa antigen

Maaari nang tumanggap muli ng bagong trabaho si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes matapos niyang mag-negative sa isinagawang COVID-19 antigen swab test sa kanya after ng lock-in taping nila ng Pinoy adaptation ng K-drama na Descen­dants of the Sun. Tiniis muna ni Dingdong na hindi malapitan man lamang ang mga anak nila ni Marian Rivera.

Kaya nagpasalamat si Dingdong sa mga frontliner na nagsagawa ng antigen test sa kanya sa tulong na rin ng co-star niyang si Rocco Nacino na isa ring registered nurse. 

Sa kanyang Instagram story, ibinalita ni Dingdong na ang mga partner doctors nina Rocco ang nag-issue ng medical certificate sa kanya na nagsasabing hindi siya tinamaan ng COVID-19 virus matapos niyang mag-self-quarantine sa isang bed and breakfast sa Tanay, Rizal after ng taping.

Studio ng all-out…nabuhay

Buhay na buhay ang Studio 7 ng GMA Network Annex sa pagbabalik muli ng cast ng Sunday noontime show, ang All-Out Sundays kahapon at 12:00 noon at mas mahaba ang oras nila ngayon.  Halata ang kasiyahan ng cast sa pangunguna ni Alden Richards, sa pagpi-perform nila ng iba’t ibang segments ng show na ang iba ay pre-taped na rin, bilang pagsunod sa health protocols ng Department of Health.

Ini-launch na rin ng show ang The Clash 3 na sisimulan na next month, at present ang judges na sina Ms. Lani Misalucha, Christian Bautista at Ms. Ai Ai de las Alas, ang hosts na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz at ang Journey hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.

vuukle comment

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with