Myrtle, pasok sa Top 100 gamers ng Ragnarok
Binalikan ni Kapuso artist na si Myrtle Sarrosa ang online gaming nu’ng pandemya. Naka-jackpot naman si Myrtle dahil sa ngayon, nasa Top 100 siya ng Ragnarok game.
Pero nag-aalala rin siya dahil naudlot ang gagawing series niya eh kalilipat lang niya sa GMA.
“Siyempre walang trabaho. Tigil din ‘yung campus tour namin for Sisters,” pahayag ni Myrtle sa contract renewal niya for Sisters bilang brand ambassadress sa ikaapat na taon. “Natuwa ako! Grateful sa trust sa akin ni Miss Aileen Choi-Go.
“Eh tumutulong din ako sa kanilang social media account ng MegaSoft kaya naman nagagagamit ko ‘yung knowledge ko,” saad pa niya.
Sa panig naman ni Ms. Aileen, nasira lahat ng plano niya sa kumpanya at produkto ng buong taon dahil sa pandemya.
“Pero you have to move. Good thing sa products namin ay essentials ito ngayong pandemic. Laban lang gaya ng ibang businesswoman! You have to be resilient!” sey ni Ms. Aileen.
Unti-unti nang napanatag ang kalooban ni Myrtle dahil nandiyan ang MegaSoft na nakasuporta sa kanya bilang brand ambassadress.
- Latest