Ted magiging DJ sa bagong radio show, Kabayan hindi kakalas sa Kapamilya
Walang planong lumayas sa ABS-CBN si Kabayan Noli de Castro Ito ang siniguro niya sa kanyang radio program kahapon.
Nauna nang napabalita na may talk na nagaganap between Kabayan Noli and DZRH bosses but obviously walang nangyari.
Nauna na siyang nilayasan ni Ted Failon na nag-babu sa ABS-CBN after 30 years.
Bukod sa TV, mapapakinggan din si Ted sa FM radio ng TV5, Radyo Singko.
At hindi lang daw basta news program ang kay Mang Ted, kundi may halong music. Ala disc jockey ang peg.
Yup, matagal na raw nitong gustong maging DJ at talagang mahilig sa music.
Kaya aside from his hard hitting morning show with DJ Chacha may solo program si Mang Ted na combination daw ng news and music.
- Latest