^

Pang Movies

May bagong project para sa mga senior...

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
May bagong project para sa mga senior...
Bong

Hinahanap ko ‘yung mabait na PR ng Unilab na si Claire dahil gustong magpa-sponsor ni Bong Revilla sa susunod niyang project na tulong medisina para sa mga senior citizen.

Balitang napaka-generous ng Unilab sa pagtulong sa charity projects kaya naisip ni Bong na ilapit ang next project niya para sa followers niya sa Facebook Live. Tapos na si Bong sa mga bata na kailangan ng gadget sa bagong sistema ng pag-aaral. Kaya iyon namang mga senior citizen ay balak niyang tulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamot at groceries.

Alam ni Bong Revilla na talagang kailangang-kailangan sila ng mga kababayan sa panahong ito, kaya enjoy na enjoy siya sa kanyang Facebook Live dahil nakaka-reach out siya sa mga tao nang hindi na kailangang lumibot pa, dahil nga sa bagong health protocols na sinusunod.

Well at least, may mga kumpanyang tulad ng Unilab na handang tumulong.

Bongga.

Online stores, may loyal customers

‘Kaloka talaga. Tanga talaga ako kay Ronite ng @dpersonalshopperph.

Imagine na para bang ang lakas ng business niya ngayon at pati tayo kasali sa biyaya.

Pumunta siya sa Take It… Per Minute Me Ganun noong Tuesday at nagbigay ng mga maliliit na items na bongga, parang balato niya sa atin sa mga napagbilhan niya. Meron talaga siyang loyal clients na buong tiwala na patuloy na suportado ang kanyang personal shopping business.

Thank you Ronite, sasabihin ko kay Kris Aquino na meron kang small something para sa kanya, para pag meron siyang urge mag-shopping galore, i-try ka niya dahil favorite mo siya, give mo siya malaki discount.  Bongga. 

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with