^

Pang Movies

Mga raketero, nabiktima si Nicole Hyala

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga raketero, nabiktima si Nicole Hyala
Nicole

Kahapon ay nagka-tsikahan kami ni Nicole Hyala, ang sikat na DJ ng FM station na Love Radio. Naalarma si Nicole sa sumbong na nakarating sa kanya.

May isang lumalapit daw kasi sa ilang small business owners para mag-solicit ng sponsorship. Ipinapakita raw ng taong ‘yon ang picture nilang dalawa at sinasabing magkakaroon sila ng show sa isang TV network.

Gusto lang linawin ni Nicole na walang katotohanan ‘yon. “Wala akong magiging TV show!” sabi ni Nicole.

Naaawa raw si Nicole dahil ayon sa isang small business owner na nagsumbong sa kanya, nagbigay raw ito ng P5,000 sa taong nagpapanggap na magi-ging co-host niya. ‘Kaloka lang!

So, kung may lalapit sa inyo para manghingi ng sponsorship para sa show raw nila ni Nicole, beware!

Actually, hindi lang naman si Nicole ang nagagamit ng mga ganyang mapagpanggap at nangraraket, huh! Marami rin ibang celebrities na madalas na mabiktima, kaya huwag basta-basta magbibigay ng kahit na ano dahil baka ang ending n’yo ay naloko na pala kayo!

Tandaan, walang mga manlolokong magtatagum-pay kung walang magpapaloko, kaya isip-isip din muna lalo na ngayong panahon ng COVID-19 pandemic na ang hirap kumita, ‘noh?!

Actually, maraming online sellers ang nabibiktima rin ng mga nagpapanggap na close raw sila sa mga celebrity at nagbibigay naman sila ng kanilang mga paninda sa mga taong ito sa pag-asang maipo-post ang kanilang mga business.

Better na dumiretso na lang kayo sa mga celebrity kung gusto ninyong ipatikim sa kanila ang mga paninda ninyo.

Isa sa mga celebrity na tumutulong sa small business owners si Megastar Sharon Cuneta.

Talagang ipino-post ni Sharon sa kanyang social media accounts ang mga ipinapadala sa kanyang food at iba pang mga paninda.

The show must go on na nakagawian sa showbiz, bawal sa pandemic

Better safe than sorry, kaya naman, Ateng Salve, kahit first episode ng Grateful Tuesdays kung saan ay co-host siya ng businesswoman/philanthropist na si Che-mist Pinky Tobiano, hindi nakapunta si Yeng Constantino sa kanilang “studio.”

May sipon kasi si Yeng, kaya nag-Zoom app tsikahan lang siya with Pinky sa first episode ng nasabing online show na napapanood sa Facebook page at Kumu ng Cornerstone Entertainment.

Sa panahon ngayon ng pandemic, big deal ang pagkakaroon ng sipon, huh!

Anyway, sinamahan naman ni Jaya si Pinky sa Grateful Tuesdays online show and I’m telling you. Ateng Salve, ang ganda ng chemistry nila!

Puwedeng-puwede nga na sa third season ng online show ni Chemist Pinky na si Jaya naman ang makasama.

Anyway, on Tuesday, makakapag-co-host na raw si Yeng at may surprise guest pa raw sila ni Pinky sa online show nila.

Siyanga pala, sa “new normal”, hindi na puwede ‘yung sinasabing “the show must go on” at kung masama ang pakiramdam ng isang celebrity at kaila-ngan nilang humarap sa mga tao, better na magsabi na sila kaagad kesa naman makapanghawa pa sila ng iba, ‘noh?!

Right, Ateng Salve? ‘Yun na!

vuukle comment

NICOLE HYALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with