^

Pang Movies

Aktor may souvenir ng katawan ng dyowa habang nasa shower

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Grabe namang boyfriend iyan. Noon palang on pa sila, at minsang magkasama sa isang intimate date, kinunan ng video ni boyfriend ang maganda niyang girlfriend habang nagsa-shower. Hindi alam ng babae na kinukunan na pala siya ng boyfriend ng video.

Nakaharap daw sa salamin ang boyfriend at nakikita sa salamin ang hubad na girlfriend na naliligo. Hubad din naman si boyfriend pero siyempre dahil siya ang kumukuha ng video, tinakpan niya ang kanyang private parts.

Ang kawawa ay ang girlfriend talaga. Kasi naman sobrang tiwala siguro eh, hinayaan niyang nasa loob din ng banyo ang kanyang boyfriend habang siya ay naliligo na akala niya ay kung ano lang ang ginagawa. 

Kaya ang tama, kahit na nga sabihin ninyong boyfriend ninyo, magsiguro rin kayo dahil uso talaga ngayon ang video, at cell phone lang ang gamit na nakakakuha ng video kahit na sa low light conditions.

Walang planong makipagtuos...

Walang plano si Dennis Padilla na makipagtuos pa sa dating broadcaster na si Jay Sonza sa maling pagbabalita nito na buntis ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Inamin naman ni Sonza na mukhang “napaaga” ang kanyang congratulations. Talaga raw natutuwa lamang siya kung may naririnig siyang may “magkakaroon ng panibagong buhay.” Dinugtungan pa niyang itatabi na lang muna niya ang regalo niya para sa mga naitsismis niya.

Natural lang ang mabilis na reaksiyon ni Julia sa pagsasabing fake news ang ikinakalat ng dating broadcaster na ngayon nga ay social media practitioner, tungkol sa kanya. Isipin mo nga naman na kadalaga mong tao sasabihin nabuntis ka, eh ni hindi mo pa nga inaamin na boyfriend mo iyong lalaki.

Mabilis din ang reaksiyon ng nanay niyang si Marjorie Barretto sa pagsasabing hindi totoo ang tsismis. At natural lang na gawin iyon ni Marjorie dahil nasa poder niya si Julia.

Pero si Dennis nga, ayaw nang magdemanda o maghabol pa sa mga pangyayari.

Noong unang nabalitang nanliligaw si Gerald Anderson kay Julia, sinabi ni Dennis na tinawagan niya iyon at inusisa niya kung talaga ngang nanliligaw sa kanyang anak. Inamin niya na nagbigay pa siya ng warning na “anak ko” ang nililigawan ng actor.

Samantala, hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na pumalpak si Sonza sa kanyang mga post. Noong sabihin niyang “drawing lang” ang nangyaring pamamaril sa sasakyan ni Kim Chiu ay pinagdudahan na siya sa kanyang mga sinasabi. Pinagbintangan pa niyang gimmick iyon ng ABS-CBN.

vuukle comment

JAY SONZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with