^

Pang Movies

Angelica ipinagamit ang boses sa hayop!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Sa kanyang online show na Asks Angelica, nabanggit ni Angelica Panganiban na may offer sa kanyang show sa ibang network, pero hindi niya tinanggap dahil ayaw niyang umalis sa ABS-CBN. “If lilipat ako, ‘wag na lang. Kung walang maibigay na trabaho sa akin ang ABS-CBN, maiintindihan ko, pero ‘di ako lilipat,” sabi ni Angelica.

Kaya siguro hindi kasama si Angelica sa ibang cast ng Banana Sundae na magkakaroon ng gag show sa TV5 na Sunday Kada Kada Sunday to be directed by Edgar Mortiz na siya ring director ng Banana Sundae. Sila ni John Prats at JC de Vera ang hindi sumamang lumipat at mas ginustong manatili sa Kapamilya Network.

Sabagay, may teleserye pa naman si Angelica dahil kasama siya sa cast ng Walang Hanggang Paalam na pilot na sa September 28. Ipinalalabas na ang teaser ng serye na nagustuhan ng Kapamilya viewers.

Kasama rin si Angelica sa animation na Hayop Ka! na streaming sa Netflix sa October 29. Boses lang ni Angelica ang ginamit at magkasama sila rito ni Robin Padilla.

Alice, nagpaliwanag sa pagbisita sa cannabis farm

Nagsalita na si Alice Dixson sa na-post niyang pagbisita sa isang Marijuana farm na naging controversial at may nagsabi pa ngang baka ipatawag siya ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Post ni Alice, “2 weeks ago I posted a photo teaser to promote my upco-ming Medical Marijuana vlog. While Cannabis is illegal in the Philippines it is legal in 11 US states where all my footage was shot in August 2019.

“My YouTube channel’s premise has always been about sharing information relevant to inspire health and happy living. And while I in no means advocate the use of marijuana recreationally, I do share information related to its medicinal use objectively without bias.

“God Bless the Philippines and all those who effort to enhance the lives of others especially during this pandemic. Stay strong & take care.”

Ayan, malinaw na sa US pala ang marijuana farm na binisita ni Alice at hindi sa Pilipinas. Walang dahilan para habulin siya ng PDEA.

Samantala, marami na ang naghihintay na magsimula na ang taping ng Legal Wives kung saan, isa si Alice sa gaganap na asawa ni Dennis Trillo. Ang ganda ng story nito at sana masimulan na para mapanood sa GMA-7.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with