^

Pang Movies

Dennis, apology lang ang habol kay Jay

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-react na rin ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla sa fake news na buntis ang aktres at si Gerald Anderson daw ang ama.

Matatandaang si Jay Sonza ang nag-anunsyo nito sa kanyang Facebook account few days ago na kaagad itinanggi nina Gerald at Julia.

Sa panayam naman ni Dennis sa DZMM Teleradyo ni Ahwel Paz, ayon sa komedyante ay nasa taping siya nang mabalitaan niya ang issue.

“Actually ang unang nagtanong dito sa akin sa set si Ruffa Gutierrez. Sabi niya sa akin, ‘Kuya Dennis, totoo ba?’ Sabi ko hindi siguro dahil kung totoo iyan, magte-text din naman sa akin ‘yan na ‘Papa I’m pregnant,’ ganun. Eh wala eh.

“Tapos nakita ko nga ‘yung litrato ni Julia sa Instagram niya na wala, so fake news talaga,” pahayag ni Dennis.

Pagkatapos nito ay nagbigay siya ng mensahe kay Jay.

“Ang akin lang, gusto kong sabihin kay Kuya Jay, ‘Kuya Jay, bago ka sana nag-comment ng ganun, sana tinawagan mo naman ako o kaya tanong mo kay Marjorie o kaya mag-text ka sa kung sino man ang malapit kay Julia para malaman kung totoo or hindi.’

“Kasi parang ang pagkabitaw ni Jay Sonza, parang casual. Hindi siya news type. So ‘yun lang, siguro ang kulang ni Kuya Jay doon is coordination sa mga magulang at sa bata,” sey pa ni Dennis.

When asked kung may aksyon ba silang gagawin against Jay tulad ng pagsasampa ng kaso, ani Dennis ay wala na raw.

“Hindi na siguro kasi lalaki namang kausap si Kuya Jay so, mag-uusap na lang kami, tawagan and kung kailangang may mag-apologize, apology lang siguro. Ayos lang ‘yun dahil kaibigan din naman natin si Kuya Jay,” he said.

Sa kasalukuyan ay nag-sorry na si Jay na ipinost niya sa kanyang Facebook account. Aniya ay pasensiya na raw kung napaaga ang kanyang “congratulations.”

JakBie, bihira nang magkita

Sa throwback post ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, humirit ang aktres na nami-miss na niya ang boyfriend na si Jak Roberto. “Patunay na ‘di kailangan maging sexy para makasungkit ng sexy… Tiwala lang! Happy monthsary @jakroberto. I miss you so much. I love you,” ani Barbie.

Nagdiwang ng kanilang monthsary ang JakBie noong Linggo, September 20. At dahil sa laganap pa ring pandemya, hindi sila nagkakasama madalas ni Jak. Sa ngayon ay sweet greetings na lang muna!

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with