^

Pang Movies

Jay nag-sorry, belat sa scoop

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kung si Julia Barretto fake news ang reaction sa pasabog ni Jay Sonza na preggy siya kay Gerald, ang Kapamilya actor, idinaan sa biro ang balita. Nag-post si Gerald sa kanyang IG Story na kinongratulate ang sarili and without going into details, alam na kung ano ang gusto nitong tukuyin.

Twice pinost ni Gerald ang congratulatory message sa kanyang sarili at ang pagko-congratulate nang pabiro ng kanyang mga kaibigan at fans.

May nag-comment nga sa FB ni Jay na the time na may lockdown ang bansa, nakikita niya si Gerald sa Botolan, Zambales na sinu-supervise ang construction ng kanyang private resort. Araw-araw daw niya nakikita ang aktor sa resort nito at minsan nga, tumutulong pa sa mga worker. Kasama raw nito ang ama sa Botolan dahil siya yata ang pinamahala ni Gerald sa construction ng private resort na tinawag na Hayati na Arabic word pala at ibig sabihin, “My life.”

Tanong pa ng netizen, ibig daw bang sabihin noon, kahit busy sa Botolan, nakasalisi si Gerald papuntang Manila para dalawin si Julia? Sayang at hindi sinagot ni Jay ang comment na ‘yun ng netizen.

Pero, ano kaya ang masasabi nina Gerald at Julia na may mga nanghinayang na fake news ang pagbubuntis ni Julia. Excited ang ibang fans na makita ang magiging baby kung sakali ng dalawa at alam agad nilang magkakaroon sila ng beautiful (family).

Samantala, may pagbawi si Jay sa nauna niyang announcement na buntis si Julia. Pinost muna nito ang statement ni Julia na “Hindi ako buntis” at ang statement ni Marjorie Barretto na “Hindi buntis ang anak ko.”

Sabi ni Jay, “kung ganoon po, binabawi ko ang  aking masayang pagbati. Happy & excited kasi ako kapag may nabibiyayaan ng Buhay. Pasensiya na kung napaaga ang aking Congratulations. Itatabi ko na lang muna iyong regalo ko sa kanila.”

Jake, dinirek si Kylie

Nagdidirek na rin pala si Jake Cuenca dahil siya ang director ng music video ng GF na si Kylie Verzosa ng kantang Binibini ni Cean Jr. Nakalagay sa credits na si Jake ang director na pumasa sa panlasa ng mga nakapanood ng music video.

Kinongratulate si Jake at tinawag ng “direk Jake” na ikinatuwa nito. Nagpasalamat si Jake kay Kean Cipriano sa opportunity at tiwala na ibinigay sa kanya. Lumalabas na si Kean ang nagbigay ng chance at tiwala kay Jake to direct the music video.

Speaking of Jake, parang aalis na rin siya sa ABS-CBN at sa isa niyang post, nagpasalamat na sa Dreamscape at sa mga tao sa ABS-CBN na tumulong at nakatulong sa kanya. Wala pang balita kung saan lilipat si Jake, pero malamang sa Viva Artists Agency kung saan, nakakontrata rin si Kylie.

vuukle comment

JAY SONZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with