^

Pang Movies

Liza, kakasuhan ang nagbanta ng rape?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Liza, kakasuhan ang nagbanta ng rape?
Liza

Mukhang wala nga sa ayos ang biro, kung biro ngang matatawag iyong sabihing “dapat iyan maipa-rape.” Hindi dapat sinasabi iyan sa isang babae. At siguro para sabihin mo iyan, matindi ang galit mo. Kasi kung biro lang, mahirap na ganoon ang maisip mong biro.

Basta nagsalita ka ng ganoon, maaari kang idemanda. At hindi malayong ganyan nga ang gawin ng aktres na si Liza Soberano doon sa nagsabing dapat siyang ma-rape. Kasi sinasabi naman ni Liza “hindi ko palalampasin iyan.”

Talagang hindi dapat palampasin lalo na’t alam daw naman ng nagbabanta ang ilang personal details tungkol kay Liza kagaya ng kanyang address at iba pang mahahalagang bagay.

Kung ipa-blotter man iyon ni Liza, o magharap siya ng demanda, masasabi mong pag-iingat lang iyon sa kanyang kapakanan dahil binantaan siya eh at sa social media pa.

Hindi bale sana kung ang sinabi eh “papatirin kita” o kaya ay “basta makita ko iyan babatukan ko.” Eh ang sinabi “dapat iyan maipa-rape.”

Ako man ang magulang ni Liza Soberano, baka hantingin ko na lang ang nagsasabi ng ganyan lalo’t mukhang napakababaw ng dahilan kung bakit binantaan ng ganoon si Liza. May kinalaman daw ‘yun sa kanyang internet connections na kanyang inireklamo.

Siguro natamaan ng kanyang reklamo, aba nagbanta na ng ganoon.

Sana nga ay biro lang iyon. Sana nga ay hindi naman nila intensiyon talagang gawin iyon, pero hindi rin dapat na magpabaya si Liza. Kailangang gawin na niya ang lahat ng pag-iingat dahil may banta.

Yorme, nakiusap sa mga atat makita ang white sand sa Manila Bay

Mabuti naman at walang artistang nagkamaling makipagsiksikan sa mga nag-usyuso sa Manila Bay noong Linggo. Aba akala mo eh walang pandemic.

Iyong prusisyon sa Quiapo inimbestigahan pa kung sino ang namuno dahil maraming tao, eh iyang sa Manila Bay talo pa ang prusisyon ng Quiapo sa siksikan ng mga tao. Ni walang isang pulgada ang distancing nila sa isa’t isa.

Eh alam naman ninyo ang mga artista kung minsan, kung ano ang uso susugod din ang mga iyan, mabuti naman at walang nagkamali.

Ang biruan nga, basta nagpunta ka roon, hindi mo na maamoy pagkatapos ang baho ng basura, o malalasahan ang alat ng tubig dagat.

Ibig sabihin may COVID ka na.

Nakikiusap nga si Yorme Isko, huwag na muna kayong magpunta riyan. Maraming ibang panahon.

Aktor, sinopla ng poging may-ari ng coffee shop

Madalas daw ang isang male star sa isang coffee shop sa Pasig. Kung sabihin niya kasi “friend” niya ang poging may-ari noon. At lately, pinipilit daw ng male star na sososyo siya, o pauutangin niya ng dagdag na puhunan ang poging may-ari ng coffee shop na naapektuhan ng pandemic ang negosyo. Pero nakahalata ang poging may-ari ng coffee shop na may ibang motibo ang male star sa iniaalok sa kanya. Minsan daw kasi nagtangka nang manligaw kay pogi ang male star.

Tinanggihan ni pogi ang alok kaya frustrated na naman si male star sa kanyang panliligaw. Hindi na naman siya nakalusot.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with