^

Pang Movies

Bianca, binibira sa panggagaya kay Nadine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bianca, binibira sa panggagaya kay Nadine
Bianca

May basher si Bianca Umali na ginagamit pa si Nadine Lustre para lang ma-bash ang Kapuso actress.

Kapag nagpo-post si Bianca ng sexy photo, laging may nagko-comment na ginagaya lang niya si Nadine. Kaya rin daw siya nagwu-workout para magaya ang kaseksihan ni Nadine. “Pangit mo talaga ginagaya mo lang si queen nadine lustre,” na pinalagan ng fans ni Bianca.

Sa pagdedepensa kay Bianca ng fans nito, may mga nasabi ang fans ni Bianca na hindi maganda patungkol kay Nadine gaya ng may retoke raw ito, kaya ang fans naman ni Nadine ang nag-react. Ang ending, ang fans ang nag-away-away.

In fairness kay Bianca, kahit anong pamba-bash sa kanya ng netizens, wala siyang reaction at hindi inaaway ang namba-bash sa kanya. Ang boyfriend ni Bianca na si Ruru Madrid ang hindi nakakatiis at sinasagot ang mga nagko-comment ng nega.

Anyway, napapanood si Bianca sa rerun ng Kambal Karibal na si Miguel Tanfelix pa ang katambal. Kailan nga kaya sila pagsasamahin ni Ruru ng GMA-7?

Rufa Mae, ibinebenta ang mga damit ng anak

Alam naman siguro ng anak ni Rufa Mae Quinto na si Alexandria Magallanes na ibinebenta ng mama niya ang mga damit niyang naiwan sa Manila. Naka-post na sa RufaMaeCloset ang mga damit ng anak na sabi ni Rufa Mae, ang iba ay brand new at ang iba ay gently used daw.

Kaya raw niya ibinebenta ay dahil sa bagong bahay at kailangang bago ang mga damit ng anak. Saka, nasa San Francisco, California sila ng anak at baka nga naman matagalan pa bago makabalik ng Pilipinas. Baka pagbalik nila ay hindi na kakasya sa anak ang mga damit.

At hindi lang mga damit ng anak ang ibinebenta ni Rufa Mae dahil tuloy ang online selling niya ng branded bag at jewelries.

Isa sa ibinenta ni Rufa Mae ay ang Chanel beach bag na for sale for P40,000 na baka nabili na sa ngayon.

In fairness, matagal nang nag-o-online selling si Rufa Mae, hindi lang ngayong may pandemya, kaya kahit siguro wala siyang ganap sa showbiz, hindi sila magugutom ng kanyang anak. Idagdag pa na may asawa siyang bumubuhay sa kanila.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with