^

Pang Movies

Piolo, parang kailangan ng pera?

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Piolo, parang kailangan ng pera?
Piolo

Masuwerte ang TV5 sa Kapamilya stars na magtatrabaho sa kanilang network.

Well, wala talagang magagawa sa panahong ito ng taghirap kaya hindi mapipigilan ang paglipat ng mga ito dahil ika nga, where the grass is greener, doon ang tungo ng lahat ng nawalan ng trabaho.

Imagine, pati si Piolo Pascual na bagong endorser ng Beautederm products ni Ms. Rhea Tan ay nakumbinsing umapir sa Singko.

Well, ang tanong, sa paglipat ng Kapamilya stars, kaya rin kaya silang pasikatin ng TV5 tulad ng ginawang promotion ng ABS-CBN? Malalaman natin.

Darna inabot ng kamalasan

Nakakapanghinayang naman ang milyones na nagastos ng ABS-CBN sa paggawa ng Darna starring Jane de Leon.

Inabutan ito ng kamalasan at naging biktima ng COVID. Walang puwedeng basta-basta magtrabaho.

Ano ba ‘yang COVID na iyan, pati ang mga ‘superhero’ ay hindi pinatatawad!

KathNiel, nag-iisip ng bagong negosyo

Imagine, pati ang pamosong barber shop nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na Barbero Blues ay kinailangan ding magbawas ng staff, dahil matumal ang mga nagpupunta sa barber shop ngayong panahon ng pandemya.

Pinag-iisipan pa ng KathNiel sa kasalukuyan ang susunod na hakbang para maisalba ang nasabing negosyo.

Nakakahinayang na sunud-sunod na branches na sana ang kumikita, pero apektado rin ng kamalasang dala ng COVID-19 kasama na ang movie at teleserye ng magka-loveteam at makarelasyon sa totoong buhay.

MMFF 2020, wala pang ingay

Ano ba yan, by this time sana ay abala na ang movie producers na lalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito na sana ang panahon na papaingayan at kanya-kanyang gimik na ang lahat lalo na ang kampo nina Vic Sotto, Vice Ganda at Coco Martin.

Ang problema, ni isa sa kanila ay walang balita kung may ilalahok bang entry o hindi na lang sasali sa nasabing filmfest.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with