^

Pang Movies

Sen. Bong, tinanggi ang special treatment

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sen. Bong, tinanggi ang special treatment
Bong

Walang special treatment kay Senator Bong Revilla, Jr. nang mapag-ospital siya nang madale ng COVID-19.

“Dalawang oras akong naghintay sa emergency room!” bulalas ni Sen. Bong sa virtual interview niya sa press.

Nagkasakit na nga, na-bash pa ang senador. Pero dahil sa nangyari sa kanya matapos mamatay ang ama, kakayanin na niyang lahat ang anumang pagsubok na dumating sa kanya.

Sa September 25 ay kaawaran ni  Sen. Revilla.Wala munang bonggang selebrasyon. Sa halip ay mammigay siya ng 10-inch na tablets sa magagamit sa blended learning.

Ngayong araw na ito, Linggo, iaanusyo ng senador kung sino ang pinalad na magkaroon ng tablet.

Para sa hindi mabibigyan, “Wag malungkot sa mga hindi umabot dahil may pag-asa pa basta tutok lang at sana ay mabigyan natin ng mga mag-aaral na talagang nangangailangan dahil sila talaga ang inspirasyon ko sa aking kaawaran.”

Isa sa nag-donate ng tablets ay si Mother Lily. “Mahal na mahal talaga ako ni Mother,” sey ni Sen. Bong.

Samantala, malapit na ring sumalang sa kanyang naudlot na TV show sa Kapuso Network si Senator Bong, ang Agimat ng Agila.

Ilang kembot na ang ay raratsada na siya sa taping nito sa isang lugar sa Rizal province.

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with