^

Pang Movies

Janella, manganganak na sa October?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janella, manganganak na sa October?!
Janella

Parang late na ang pakiusap ng isang fan ni Janella Salvador kay Jenine Desiderio na ilayo niya kay Markus Paterson ang anak dahil ang balita nga ay preggy na si Janella at manganganak na raw this October. Kaya nasa UK sina Janella, Jenine at anak pang si Russel para masamahan daw si Janella sa kanyang panganganak.

May dumepensa rin naman kay Markus dahil at his age, responsible na raw at agad in-embrace ang nalalapit na pagiging ama. Maganda raw ang ginawa nito na dinala sa UK si Janella para makaiwas sa tsismis dito sa Pilipinas.

After mag-post ng photo nila ni Janella na nagsasayaw, walang update sa kanila si Markus, except sa latest post nito ng photo ng isang solitary red rose at may caption na “as long as I have you, I’m home.”

Inisip tuloy ng netizens na clue ang rose na baby girl ang pinagbubuntis ni Janella.

Tom at Carla, kasal na?!

Ang talas ng mata ng ilang netizens dahil sa isang video post ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez, nakitang may suot itong wedding ring. Kaya ang tanong sa kanya ay kung wedding ring ba ang suot niya? “Sorry, but the ring is for my character in the show I’m taping right now.”

Ayun, napalitan ng paghihinayang ang tuwa ng netizens na inakalang kasal na sina Tom at GF nitong si Carla Abellana dahil para lang pala sa karakter niya sa newest offering ng GMA-7 na I Can See You: High Rise Lovers.  Mag-asawa ang role rito nina Tom at Lovi Poe.

Tapos na ang four-day taping nina Tom, Lovi, Winwyn Marquez, Tetay Ocampo, at Teresa Loyzaga na ang location ay sa isang hotel sa Clark, Pampanga.

Rosanna at Nora, may gagawing pelikula

Nag-post si Rosanna Roces ng photo nila ni Nora Aunor at may caption na “With my Ninang Guy and Direk @direkdarrylyap” at ang paniwala ng mga nakakita ng litrato nina Rosanna at Nora at ni direk Darryl Yap ay may gagawing pelikula ang tatlo.

Sa mga nagtanong kay Rosanna kung pelikula nga ba ang gagawin nila ni Nora, “may pinresent kami sa kanya sana tanggapin,” ang sagot nito.

Kung pelikula nga ang gagawin nina Nora at Rosanna, hindi ito ang first time na magsasama sila dahil nagkasama na sila sa mga pelikulang Hustisya at Kinabukasan.

Sana nga tanggapin ni Nora ang project, puwede na namang mag-shooting basta sumunod lang sa safety protocols.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with