^

Pang Movies

Talent manager, nabudol sa manika

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Talent manager, nabudol sa manika

Magsilbing babala sa mga bumibili sa online ang nangyari sa showbiz persona­lity na si Rams David.

Si Rams ang presidente ng Triple A na nagma-manage sa showbiz careers nina Marian Rivera, Maine Mendoza, Kisses Delavin at iba pang kilalang perso­nalidad.

Ayon sa post ni Rams, naakit siyang bilhin ang manika para iregalo sa kanyang apo na nakalagay sa account ng isang Ehdsfso.

Pero nang dumating ang inorder, simpleng manika lang ito, mukhang mumurahin at hindi silicone material na close sa human skin ayon sa account ng seller.

Bago ang pagbubuking ni David, post niya matapos matanggap ang order, “Ang ganda ng promo ad sa fb. Pag deliver syo ibang iba from the ad na napanood mo. “Ingat po kayo, wag ako tularan. #budol.”

Sa comments, ni-reveal ni Rams na nagbayad siya ng almost P5K at fake ang return address at number na nakalagay.

Of course, laganap ang bentahan sa online dahil sa pandemya kaya maging maingat sa mga seller na makakapal ang mukhang manloko sa kapwa, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with