^

Pang Movies

Juday proud na proud, Sarah ‘di akalaing makakatayo sa sariling paa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Juday proud na proud, Sarah �di akalaing makakatayo sa sariling paa

Proud na proud si Judy Ann Santos sa mga pagbabagong nakikita kay Sarah Geronimo ngayong isa na itong maybahay kay Matteo Guidicelli. Nagkaharap ang dalawang “superstars” sa online conversation para sa produktong pareho nilang ineendorso at nakakatuwa naman talagang pakinggan ang mga sinasabi ni Popstar Royalty ngayong iba na ang kanyang estado sa buhay. Kinumusta kasi ni Juday ang bagong kasal at tinanong kung may mga bagong discoveries sa buhay nito ngayon. Sagot ni Sarah, marami raw siyang natutunan at nalalaman ngayon tungkol sa kanyang sarili.

“Marami akong mga nalalaman about myself na ‘ah ganito pala ako’, ganito, ganyan-ganyan. May mga good, meron din na parang alam ko talaga sa sarili ko na kailangan kong ayusin, i-improve especially now na hindi ka na lang. . . you’re no longer your own, sabi nga nila, ‘di ba? Meron ka nang kabiyak,” masayang wika ni Sarah. “Naks! Palalim na ha? Andiyan ka na, ha?” pangangantyaw ni Juday at napahagikgik si Sarah. Patuloy ni Popstar, “so, I guess, ate Juday, ‘yan ang biggest challenge for me. Kasi nasanay nga tayo na tayo lang sa buhay and your family. Ngayon meron ka nang asawa na kailangan mo ring isipin, kailangan mong alagaan. At the same time, huwag ding kakalimutan, ‘yung sinabi mo nga ate, ‘wag mo ring kakalimutang mahalin ‘yung sarili mo and never lose your identity as a person. So, ano ‘yan, parang adjustments talaga lahat and learning process sa akin.”

Ibinahagi rin ni Sarah na hindi niya nga akalaing kaya rin niyang magluto para sa kanyang asawa. “May mga niluto ako na hindi ko akalaing maluluto ko for myself and for my husband. So, nakakatuwa. Isa rin sa mga naitulong ng sitwasyon natin ngayon ‘yung matuto ka talagang tumayo sa sarili mong mga paa, matuto talaga sa buhay,” she said.

“Grabe naman,” reaksyon ni Juday, “para ka nang cum laude sa mga sinabi mo! Nakaka-proud ‘yung pinanggagalingan mo ng mga statements mo ngayon.

“Well, matagal ko nang hinihintay na lumabas sa bibig mo ‘yang mga words na ‘yan because it’s about time that you enjoy life and I’m so happy that you are experiencing new adventures in your life now, which is dapat naman. And I’m so proud of  you because hindi ka na natatakot mag-try ng mga bagong bagay sa buhay mo. Totoo ‘yan, mula sa aking puso ‘yan,” sabi ni Juday.

vuukle comment

JUDY ANN SANTOS

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with