^

Pang Movies

‘Sandata’ ni Chris Evans aksidenteng na-upload, kinuyog sa social media

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaagad nag-trending kahapon ang post ng Captain America actor na si Chris Evans nang aksidenteng nai-post niya sa kanyang Instagram account ang kanyang dickfie.

Mabilis din niyang tinanggal, pero ang dami nang nag-grab at kaagad na kumalat ito sa netizens.

Mabilis na nag-trending iyon at kung anu-anong memes na ang naglabasan.

Pero pinakiusapan namang huwag nang ikalat iyon, pero patuloy pa rin itong pinag-uusapan sa social media.

Kasabay nito, naikuwento rin sa akin ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer na meron ding kumalat na litrato ng isang kilalang aktor na may sinusubo, na nagpapatunay sa matagal nang tsismis sa kanyang kabadingan.

Nakita ko ang litratong iyon at kamukha nga niya, pero puwedeng hindi rin naman siya iyon.

Bukod kasi sa kumalat na litratong iyon, nagawa rin niya noon ang nangyari kay Chris Evans na aksidenteng nai-post ang hubo’t hubad niyang litrato. Pinag-usapan din iyon, pero nakalimutan na ito ngayon.

Sabi nga ng isang kaibigan naming Psychologist na si Dra. Ali Gui, hindi talaga maiwasang kumalat at paglaruan ang mga ganoong private na kuha ng mga kilalang celebrities dahil feeling daw ng publiko tila pag-aari nila ang mga kilalang celebrities na ito. Aniya, “Celebrities whether we like it or not are public figures. In short to many they are commodities.

“Since they are public figures, people think that they have in certain ways ownership of the celebrities and are naturally drown to or curious about the most intimate details that they can get hold of about the celebrities.

“Being curious is not the same as feeling part or ownership of the celebrities.”

Paolo Gumabao, game na game sa dukutan

Nakakapagtaka nga na sa panahon ngayon ng pan­demya, bentang-benta talaga ang sex.

Nauso itong Boy’s Love series ngayon, at kagabi nga ay natapos na ang Gameboys na nagpasikat sa dalawang bidang sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Magkakaroon pa nga yata ito ng season 2 dahil lalo pang dumarami ang mga sumusubaybay sa BL series na ito. Meron ding sinusubaybayan nang husto, itong Quaranthings na pinagbibidahan nina Royce Cabrera at vlogger na si Kyo Quijano.

Nasa pangalawang episode pa lang at maganda naman ang kuwento, at ang daming nabibighani sa kakisigan ni Royce.

Ngayon ay may tinatapos na isang mapangahas na pelikulang dinidirek ni direk Joel Lamangan. Lockdown ang pamagat  na tungkol sa mga ibinebentang sex video, ang tinatawag nilang vidjakol na pagbibidahan ng indie actor na si Paolo Gumabao.

Si Paolo ay kapatid nina Marco at Michelle Gumabao sa kanilang amang si Dennis Roldan.

May mga kuha ngang kamukhang-kamukha na ni Paolo ang tatay niyang si Dennis.

Walang kiyemeng mag-frontal nudity si Paolo at may ilan pang daring scenes na talagang gagawin niya. Sa Cavite City nila sinu-shoot ang kabuuan ng pelikula at patapos na sila.

Meron nga silang eksena na kinunan noong kamakalawa lang na dudukutin ng stage at character actor na si Jim Pebangco ang ari ni Paolo, at okay lang ito sa young actor. Pero si Jim na mismo ang umatras. Biglang nahiya raw siya, kaya dinaya na lang niya.

May eksena kasing ipapasok ni Jim ang kamay niya para matantiya kung may kalakihan nga ang kargada ni Paolo. “Nabasa ko naman po sa script dati pa. Sabi ko, ‘OK, papasok sa akin.’ Wala naman pong problema sa akin. Kasi, trabaho lang po. Akala ko po kasi talaga. Ine-expect ko po talaga is papa­sukin,” sabi ni Paolo nang tinanong siya ng ka-Troika ko ring si Jerry Olea na nakatutok doon sa shooting.

Marami pang mga maseselang eksena na inaasahang gigimbal sa showbiz at pagkainteresan ito sa mga international film festival.

vuukle comment

CHRIS EVANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with