^

Pang Movies

Janella preggy na, si Markus ang tatay?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Janella preggy na, si Markus ang tatay?!

Lalong tumindi ang balitang preggy si Janella Salvador dahil sa IG Live ng boyfriend nitong si Markus Paterson kung saan, naringgan si Janella na nag-dialog ng “I almost jumped! And I can’t do that. I’m not allowed to jump” nang makakita ng bug. Hindi raw yata alam ni Janella na naka-IG Live ang BF.

Natsismis kasing preggy si Janella at ang tsika pa, sa UK ito ma­nganganak dahil lumipad siya pa-UK, ganu’n din ang ina niyang si Jenine Desiderio at ang kapatid na si Russel.

Sa video na in-upload ni Jenine, nasa garden ng house nina Markus si Markus at si Russel at naglalaro ng soccer.

Sabi ng  fans, kung totoong buntis si Janella, sana hindi itago dahil nalalaman din naman.

Nauna rito, marami ang kinilig sa post ni Markus na nagsasayaw sila ni Janella sa saliw na kantang Me and Mrs. Jones at may kasama pang smack kiss.

Carlo, naitago ang pagbubuntis ng dyowa

Inilabas at ipinakilala na ni Carlo Aquino ang anak nila ng GF na si Trina Candaza na pinangalanan nilang Enola Mithi Aquino.

Dahil hindi nabalitang nagbuntis si Trina at hindi nabalita kung kailan nanganak, hindi natin alam kung kailan isinilang si Enola.

Sana, mag-post din si Carlo tungkol dito.

Ang galing, naitago nina Carlo at Trina ang pagbubuntis at panganganak ni Trina at nakatulong na hindi siya artista, although celebrity in her own right.

Nadine, NAGBEBENTA NG dilis at danggit Online seller na rin si Nadine Samonte, pero hindi cakes, cookies o mga ulam ang kanyang binebenta kundi dried fish.

Kabilang sa mga ibinebenta ni Nadine ay dilis, danggit, pusit at palad flakes. By batch ang benta ni Nadine na mas maganda nga naman kesa paisa-isang klase. Post ni Nadine, “Yes we sell dried fish na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami meron dito sa house kasi fave din ni Heather ang danggit and dilis. Etong mga dried fishes na ‘to are fresh from Masbate tapos unsalted lahat kaya masarap. We sell by batches etong mga andito ngayon lahat sold out na po. We will post next batch availabi­lity and prices.

“We have Danggit, sweet Pusit, Palad Flakes, big dilis boneless and small dilis lahat hindi maalat and fresh from Masbate pa talaga kaya malinamnam hehe. Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga. Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha.”

Mabili ang paninda ni Nadine at pinangalanan niya ang kanyang business na D&D Queen of the South at sa IG account, naka-post ang prices. Hindi lang makaka-order ngayon dahil sold out na siya at ia-announce na lang kung kailan pwedeng mag-order.

Natuwa ang netizens kay Nadine dahil hindi siya maarte at marami nga siyang nakumbinsi na pasukin din ang pagbebenta ng dried fish.

Maaalalang napuri rin si Nadine nang makita ang post niyang naglalaba manually at hindi gumamit ng washing machine tapos, tinuruan pa niya ang anak na si Heather na maglaba. 

Snooky, balik-trabaho kahit takot

Nag-resume na pala ang taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, pero ang nakita pa langnamin na nagti-taping ay sina Snooky Serna at Dina Bonnevie. Off-cam, may suot na face masks at face shields ang dalawang aktres, pero kapag rolling na ang camera, inaalis nila ang pangsalang sa virus ng COVID-19.

Sa isang interview, inamin ni Snooky na kahit masaya at excited siya sa pagbabalik-trabaho at sa muling pag-ere ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, may takot at pangamba pa rin siya sa COVID-19. Kaya extra extra careful daw siya.

Para maging mas mabilis ang taping, bago pa ang taping, nag-script reading na ang buong cast via Zoom at ni-rehearse na ang mga lines nila para nga naman sa set, blocking na lang ang ituturo sa kanila.

Saka, ilang oras lang ang taping ng mga teleserye ngayon, wala na sigurong paulit-ulit na take, dire-diretso ang take para maaga ang pack-up. Pagkain lang siguro ang pahinga ng cast, staff at crew at after noon, balik na uli sa taping.

Wala pang announcement ang GMA 7 kung kailan ibabalik ang airing ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na pinagbibidahan din nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

vuukle comment

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with