^

Pang Movies

Rodjun, planado pati ang panganganak ni Dianne

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Rodjun, planado pati ang panganganak ni Dianne

Siguro nga masasabing “the most photographed baby” ang anak na panganay nina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

Kapapanganak pa lang niya, nagkalat na ang kanyang pictures sa social media. Halata mong excited ang kanyang mga magulang, at pati na ang tiyuhing si Rayver Cruz na agad ding nag-post ng picture ng kanyang pamangkin.

Isinilang si Rodolfo Joaquin Diego Ilustre III, ganap na ala-1:55 ng madaling araw noong September 10, sa St. Lukes’ Medical Center sa Quezon City. Matapos na iayos ang bata, agad siyang dinala sa tabi ng kanyang ina.

Matagal pinaghandaan nina Rodjun at Dianne ang pagsilang ni baby Joaquin, kaya nga talagang wala silang naging problema.

Diyan mo naman mapupuri si Rodjun, inihanda niya ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Matapos ikasal nakalipat na agad sila sa isang bagong bahay na kanyang ipinatayo.

Malayo pa lang, buo na ang plano nila kung saan manganganak si Dianne. Handa na rin sila sa susunod na activity siyempre, ang binyag.

Ang usap-usapan, nadagdagan na naman ng isa pang guwapo ang kanilang pamilya.  Aba eh mula nga sa pamilya ng kanilang ina, sumulpot ang napakaraming matinee idols sa pelikula, simula sa kanilang tiyuhing si Ricky Belmonte at Tirso Cruz III, sa pinsan nilang si Renzo Cruz, hanggang sa magkapatid ngang Rodjun at Rayver.

Ang mga tiyahin naman magaganda ring lahat. Isipin mo ang hanay, sina Sheryl, Sunshine, Geneva, Donna at iba pa. Ang daming magaganda mula sa pamilya Cruz.

ABS-CBN nawalan na ng frequencies

Malungkot na balita pero mukha ngang wala nang mababalikan ang ABS-CBN.  Marami ang nagsasabing maaari silang humingi ng franchise sa susunod na Kongreso, pero binawian na sila ng National Telecommunications Commission ng lahat ng kanilang television at radio frequencies. Ibig sabihin wala na silang pag-asang bumalik on the air. Ang binitiwan nilang frequencies, maaaring makuha ng ibang networks. At kung makukuha na nga ng iba, ano pa ang mababalikan nila two years from now?

Sinuwerte lang sila dahil pagkatapos ng EDSA revolution, ibinigay sa kanila ang frequency assignment ng na-sequester na BBC 2 noon. Kung iisipin mali nga iyon, dahil ang BBC ay “sequestered” lang ng gobyerno. Hindi paso ang franchise.

Pero ngayon, ano nga ang mangyayari sa kanila kung nawala na pati frequency assignment?

Matinee idol na lumalamig na ang career, susubukan na rin ang bading serye

Totoo kaya ang tsismis na pagagawin na rin ng isang bading serye ang isang sumikat ding matinee idol pero bigla nang lumamig ang career ngayon?

Ang sabi baka naman daw mai-shoot ang project dahil mahigit na isang taon na ngang walang pelikula ang dati naman ay sikat na matinee idol. Eh ngayon mukhang wala na nga siyang pag-asang umangat pa sa mga dati niyang role.

Kailangan na niya ang bagong pakulo, at baka nga mapansin siyang muli kung gagawa ng bading serye. Hindi naman daw bago sa matinee idol na iyan ang mga kabadingan, dahil matagal na rin namang may tsismis na talagang nakikipag-date naman siya sa mga bading “for a fee.”

Ibig sabihin, sanay na siya. May tsismis pa nga ring “regular” niya ang isang sexy male model eh. Iyon lang, kawawa syota niya.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with