^

Pang Movies

Coleen walang pain killer nang manganak

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Coleen walang pain killer nang manganak

‘Unmedicated water birth at home’ ang panganganak kahapon ng umaga ni Coleen Garcia. At four hours siyang nag-labor.

Yes as in walang pain killer : “for a while there, towards the end, I was really regretting the decision to skip the pain killers lol but I’m so happy I did it this way no tearing. Thanks to the water! I loved the water,” ang IG story ni Coleen matapos magluwal ng first baby nila ni Billy na balitang mapapanood sa noontime show ng TV5 starting next month. At ang photo na ginamit ay natutulog siya at pagod na pagod habang nakatingin ang mister na talaga raw na-appreciate niya ang ginawang support sa panganganak niya sa bahay.

Ruffa, todo ang pasasalamat

Ngayong araw na ang pinaka-inaabangang pagtatapos ng Love Thy Woman kaya naman todo pasasalamat si Ruffa Gutierrez sa lahat ng sumabaybay sa kanilang kuwento na puno ng rebelasyon mula at tinututukan sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online World.   “Kung pwede ko lang sila sulatan isa-isa. Hindi lang sa Pilipinas, talagang from all over the world. I think that is really the strength also of ABS-CBN, talagang worldwide in the service of the Filipino,” kuwento ni Ruffa sa programang  I Feel U ni Toni Gonzaga. 

Ayon pa kay Ruffa, mayroong mga nag-alinlangan sa tagumpay ng kanilang programa dahil sa pagkawala ng ABS-CBN sa free TV pero pinatunayan ng mga manonood na patuloy ang kanilang pagsuporta sa Kapamilya network maging sa online. 

“Maraming maraming salamat kasi number one kami sa lahat ng online streaming sa Kapamilya Online Live. Talagang tinututukan kami not only here but abroad,” saad ni Ruffa na gumanap bilang si Amanda del Mundo.

Bukod sa fans, pinasalamatan din niya ang kanyang mga katrabaho na sa kabila nga ng mga pagsubok at kahit nasa gitna ng pandemya, ginusto nilang magtrabaho para makapagbigay kaligayahan sa mga manonood.

 “Every time I look back, bilib na bilib ako talaga sa amin, sa buong cast, crew, staff. Napakahirap gumawa ng isang production. Napakahirap i-maintain ‘yung excitement with everything going around,” sabi ni Ruffa.

Samantala, marami pang rebelasyon ang dapat abangan sa huling araw ng  Love Thy Woman sa pagkamatay ni David (Xian Lim), na kagagawan ni Dana (Yam Concepcion) matapos niyang hindi sinasadyang mabaril ang dating asawa. Dahil dito, sisiguraduhin ni Jia (Kim Chiu) na makukuha niya ang hustisya para sa lalaking mahal at hindi titigil hangga’t hindi napaparusahan si Dana para sa lahat ng kanyang kasamaan.

vuukle comment

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with