^

Pang Movies

Joshua nakatapos na ng pelikula,mga nanood sa drive-in cinema naliitan sa screen!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Joshua nakatapos na ng pelikula,mga nanood sa drive-in cinema naliitan sa screen!
Joshua

Tahimik na nairaos ni direk Chito Roño ang shooting ng Regal horror movie na Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Unang pagbibida ito ni Joshua Garcia at wala siyang ka-loveteam dito at unang movie outside Star Cinema kung hindi kami nagkakamali.

Isa ito sa first four official entries sa nakaplanong 2020 Metro Manila Film Festival. Mabilis man ang naging shooting, bubusisiin ni direk Chito ang post production nito na malaking oras ang ginugugol niya.

Matuloy man o hindi ang MMFF sa December, at least, tapos na ang produkto, huh!

Base sa book ng sikat na author na si Bob Ong ang pelikula at bida rin dito si Angie Ferro.

Bukod sa horror movie, sumakay na rin ang Regal sa uso ngayong BL (Boys’ Love) films, ang Ben X Jim nina Teejay Marquez at Jerome Ponce. October naman ang playdate nito.

Mula ito sa direksyon ni Easy Ferrer na gumawa ng unang movie niyang Finding Easy.

Nakatakda na ring mag-resume ang naudlot na movie ni Pokwang na Mommy Duties.

Samantala, nagsimula nang mag-operate ang drive-in cinema sa dating SM Moa Grounds na madalas ay concerts ang ipinalalabas.

Ang unang sinalang ay ang foreign movie na Peninsula na sequel sa hit Korean movie na Train To Busan.

Feedback ng isang nakapanood, maliit daw ang screen para sa malawak na lugar, huh!

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with