^

Pang Movies

PDEA papasyal daw... Alice, nag-tour sa farm ng marijuana

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
PDEA papasyal daw... Alice, nag-tour sa farm ng marijuana
Alice

Controversial ang Instagram post ni Alice Dixson kung saan, nasa isang cannabis farm siya na in fairness, hindi sinabi kung saan.

Post nito, “This photo was taken on a cannabis farm. Yes marijuana! I look like a deer in the headlights... Hundreds of plants sooo tall, all different sativa & indica strains; some maybe 9-10 feet tall.

“Pinsan @camillagriggers & I had to climb a mountain high for this unique experience. We’d both never seen anything like this... All in search for some answers, knowledge & truth. Vlog coming soon. #marijunaillegal.”

May mga nagpasalamat kay Alice sa ginawa nito at may nagbiro ng gusto kita ipag-roll ng joint. Hindi sumagot si Alice, pero ang followers ng aktres, natuwa.

Pero, may mga nag-react din na ‘wag niyang dalhin sa bansa ang pagiging Amerikano niya. May nanakot din kay Alice ng “PDEA’s coming.”

Paano nga kaya kung hanapin ng PDEA si Alice at tanungin kung saan ang pinuntahan niyang cannabis farm.

Valeen na-bash nang utangan si Alden

Mababasa ang post ni Valeen Montenegro na “Hi po, i’m sorry if I’ve triggered you in any way... and that’s all im sorry about. Love love.”

Sa fans ni Alden Richards nag-sorry si Valeen dahil may mga nagalit sa Kapuso actress dahil sa prank niya kay Alden kung saan, nangungutang siya ng pera.

Noong una, P1M ang inuutang ni Valeen at binabaan niya ng P500,000 at maririnig na magpapautang si Alden, pero hihintayin pa raw ang darating (na pera) at babalikan daw niya si Valeen.

Ang sabi ni Valeen, gagamitin niya sa pang-rent ng bahay ang inuutang kay Alden at nabanggit na P70,000 ang rent niya.

“Tutulungan kita d’yan, promise,” pangako ni Alden.

Nagalit ang fans ni Alden dahil paano na lang daw kung may nakapanood na masasamang tao at mangu-tang din kay Alden o kaya’y i-prank din si Alden. Nalaman na kasi na madaling utangan ang aktor at ang cute part lang ay ‘yung sinabi ni Alden kay Valeen na ‘wag na lang niya (ni Valeen) sasabihin sa iba.

Later on, inamin din ni Valeen na prank lang kay Alden ang ginawa niya sa tulong nina Lovely Abella at fiance nitong si Benj Manalo. Kaya pati kina Lovely at Benj, galit din ang fans ni Alden.

May fan ni Alden na nag-comment sa Twitter account ni Valeen at tinawag na mga bwisit sina Valeen, Benj, at Lovely.

“Ano tingin nyo kay Alden pera? May ma-content lang kayo si Alden pa gagamitin nyo para ano tumaas agad ang views? Mga user talaga kayo nilagay nyo pa si Alden sa alanganin” na sinagot ni Valeen ng “Wow! Love love lang po. Good vibes lang tayo.”

May rason din naman ang fan dahil paano kung tumangging magpautang si Alden? Siguradong maba-bash siya ng katakut-takot at aakusahang hindi tumutulong sa friends in need.

Napatunayan lang sa prank call ni Valeen kay Alden na “sexy” ang tawag sa kanya ni Alden dahil nang sumagot ang tawag niya, “Hi, Sexy” ang sagot nito.

Piolo, ayaw paapekto kay BB

Sabi ni BB Gandanghari sa kanyang vlog, hindi siya ang mag-a-out kay Piolo Pascual at kahit ano raw ang sabihin niya, hindi raw ‘yun pag-a-out kay Piolo. Pero alam niya na kung ano ang sasabihin ni Piolo ay papaniwalaan ng tao.

“Not a thousand Rustom can out a Piolo Pascual or anybody for that matter who is secure of his manhood and masculinity,” sabi pa ni BB Gandanghari.

May sinabi pa si BB na “kung nakikinig si Piolo, I’m not outing you. I’m only speaking or talking about my experience.”

Pero, para sa netizens at supporters ni Piolo, pag-a-out ang ginawa ni BB Gandanghari sa kanyang vlog, kaya kung magagalit man si Piolo kay BB, may karapatan ang Kapamilya actor.

Kaya lang, lalong maiinis nito si BB dahil deadma si Piolo sa kanya at sa mga in-expose niya.

Nakabibinging katahimikan ang sagot sa kanya ni Piolo.

vuukle comment

ALICE DIXSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with