^

Pang Movies

Aktres gamit na gamit ang pandemya para idepensa ang pagkalaos

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Anim na buwan pa lang naman ang lockdown dahil sa COVID eh, kaya papaano namang sasabihin ng isang female celebrity na kaya wala na siyang TV show ay dahil sa COVID.

Bago pa kumalat ang COVID, wala na siyang TV show. Ang dahilan, hindi na pumapasok ang sponsors na kagaya ng dati at malulugi lang ang producers kung gagawin pa ang kanyang show. Iyon ang dahilan kung bakit walang pumatol na network sa kanya saan man siya ilako.

Tanggapin na natin ang katotohanan. Weather-weather lang iyan eh. Tapos na ‘yung kanyang panahon. Iba na ngayon.

Huwag na niyang idahilan pa ang COVID para makapaghugas-kamay siya at sabihing iyon ang dahilan kung bakit wala siyang TV show.

Laos na siya, at iyon ang totoo. Pero sa totoo lang, talaga bang sumikat?

Ha? Ha? Ha?

Liza, binubusalan sa pagbibigay ng opinion

Palagay naman namin, masyadong unfair ‘yung sinasabi ng ibang bashers na si Liza Soberano ay “boba,” dahil lamang nagpahayag siya ng pagtutol sa ibinigay na absolute pardon sa isang American serviceman na nakapatay ng isang Pilipinong gay.

Ang punto lang niya, ano ba ang mas unfair, ‘yung sinasabing hindi nai-record ‘yung mabuting behavior ni Joseph Scott Pemberton sa panahon ng kanyang detention, o ‘yung nagawa niyang pagpatay kay Jennifer Laude na inamin niya, dahil lamang sa galit nang malaman niyang iyon ay hindi pala tunay na babae?

Aba marami nang nagsabi na “boba” raw si Liza at wala namang nalalaman sa batas kaya mas mabuting tumahimik na lang at pagbutihin ang pag-arte.

Kaya naman namin nasabing unfair kay Liza ay dahil sa katotohanang inilalabas lang naman niya ang kanyang opinion sa mga nangyayari. Bawat isa naman ay may kalayaang maglabas ng sarili niyang opinion.

Hindi naman niya sinabing hindi legal ang paglaya ni Pemberton. Alam naman natin na ano man iyan, president’s prerogative nga ang ginamit eh, kaya maski na si Sec. Harry Roque na dati ay abogado ng pamilya ni Laude, “wa na say.”

Pero si Liza, nagbigay lang naman ng kanyang opinion, eh ano ang masama roon. Natural lang sa tao ang makabuo ng sarili niyang opinion.

Hindi naman dahil sa siya ay mas kilala bilang artista ay wala na siyang karapatang magbigay ng sarili niyang opinion. Kagaya rin naman siguro na hindi masasabing walang karapatang manood ng sine o ng TV ang isang abogado.

Tayo ay nasa isang lipunan kung saan ang bawat isa ay may kalayaang magpahayag kung ano man ang nasa loob natin. Wala pa namang batas para sabihing ang dapat na sagot lang ay “wa na ko say.”

Sky Cable, ipagbibili na?

Malakas ang bulung-bulungan, baka raw ang Sky Cable ay maaaring magpalit na raw ng management, o ipagbili na.

Alam naman natin na ang Sky Cable ay pag-aari rin ng mga Lopez, at nakakabit din sa ABS-CBN. In fact ‘yung offices nila ay nasa ABS-CBN din mismo.

Mukha naman kasing may problema talaga ang Sky Cable ngayon. Basta nasira ang connection, umasa kang baka abutin ng mahigit na isang linggo bago ma-repair.

‘Yung huling repairman na nagpunta sa amin, nagkuwento pang mukhang may problema na yata ang Sky Cable sa contractors nila kaya mabagal ang repair.

Baka mas mabuti nga ibenta na iyan kung ganyan din lang.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with