^

Pang Movies

Hindi nagpapapigil sa pandemic Albert at Kylie, magsasama sa pelikula

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Hindi nagpapapigil sa pandemic Albert at Kylie, magsasama sa pelikula
Kylie

Ratsada talaga ang Viva Films sa paggawa ng pelikula, huh!

Alam mo, Ateng Salve, hindi nagpapapigil ang movie outfit ni Boss Vic del Rosario sa COVID-19 pandemic.

Sabi ng isang katsikahan ko, may bagong movie na naman ang Viva Films na ang magbibida ay sina Albert Martinez at Kylie Verzosa.

Well, kahit wala pa ngang kasiguraduhan kung kailan magbubukas ang mga sinehan dito sa Philippines ay ratsada na sa paggawa uli ng pelikula ang Viva Films.

Ang bongga lang talaga, Ateng Salve!

Kitkat hindi na binalikan ang nakaraan nila ni Melissa

May pinost ang comedian na si Kitkat sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang dogs at isa sa mga nag-comment ay ang newly-engaged actress na si Melissa Ricks.

Ipinadala sa akin ng isang common friend nila ang post na ‘yon na nakikita ang comment ni Melissa na sinagot din ni Kitkat. “Friends na uli sila!” sabi ng taong nagpadala sa akin ng screen grabbed.

So, nag-message rin ako kay Kitkat at sabi ko, “Bongga, bati na pala kayo ni Melissa!”

“Opo, matagal na. Mga 5 years na!” sagot niya.

Ok na ok na nga sina Kitkat at Melissa ngayon at noong bago nagka-COVID-19 pandemic ay madalas pa raw manood ng mga musical play ng una ang huli.

Yung fiancé nga raw ni Melissa na si Michael Macatangay, nanliligaw pa lang sa aktres ay naipakilala na sa kanya ng kaibigan. “Basta kapag may show ako, pumupunta silang dalawa. Saka palagi kaming nagkakausap,” sabi ni Kitkat.

In fairness kay Kitkat, hindi na niya binalikan pa ang dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan noon ni Melissa. Basta thankful siya na ok na ok na sila.

Samantala, parang kailan lang daw ay nagkausap sila ni Melissa tungkol sa depressions nila, pero ngayon daw ay pareho silang sobrang saya.

Si Melissa ay engaged na nga at siya naman ay may new daily noontime show sa Net 25 kasama sina Anjo Yllana at Janno Gibbs na magsisimula na sa Monday.

This week daw ay ratsada si Kitkat kasama sina Anjo ay Janno dahil dry run ng kanilang show.

Hindi pa raw sure kung live sila araw-araw o may ibang araw na taped sila.

“Excited kami sa Happy Time. Sobrang happy ko rin dahil ako ‘yung kumanta ng theme song,” sabi pa ni Kitkat. At least, kahit may pandemic pa rin, aba, dumarami na uli ang mga TV show.

At least, marami na naman sa showbiz ang may trabaho, huh!

Ang bongga. ‘Yun na!

vuukle comment

KYLIE VERZOSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with