^

Pang Movies

Vina, isang kaso na lang ang kailangang lusutan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kung ang ibang Kapamilya stars ay sa TV5 lilipat, si Vina Morales ay sa Net25 magkakaroon ng show dahil kasama siya sa musical sitcom ng network na  Kesaya-Saya. Pinaabangan na ang pilot ng show na kung saan, makakasama ni Vina si Robin Padilla.

Pinost ni Vina sa kanyang Instagram page ang mala-poster ng show at may caption siyang, “PWEDE PAKIGISING PO AKO. Parang nananaginip ata ako. God is great. Sa tagal po ng panahon ngayon lang po matutuloy ang tambalan namin ni @robinhoodpadilla sa telebisyon sa @net25tv po. Sa mga ROVINA na naghintay ng mga lampas tatlong dekada. Mapapanuod nyo na po kami ni Bin sa telebisyon Sis @marieltpadilla hugs to you... Yan ha tuloy tuloy na ang kilig onscreen. Salamat po sa @net25tv family sa pagkakataon na eto. For more details po, Please visit Net25’s FB Page NOW! KESAYASAYA wahhhhhh at isa pa Bisaya din po ako dito. Aguyyy”

Kasama rin sa cast si Pilita Corrales na sabi ni Vina, gaganap na mommy niya sa sitcom at magbi-Bisaya silang dalawa. Ang iba pa sa cast ay sina Darius Razon,  Zander Khan at sina Sherylene Castor bilang si Jingkee P., Diego Salvador bilang si Idol Binoy at marami pang iba.

Sa mga nag-comment na hanggang screen na lang sila kikiligin dahil sa tunay na buhay, walang balikan. Ang sagot ni Vina, “Naku wag po ganyan happy happy tayo dahil may sitcom na.”

Another positive news ito kay Vina dahil na-dismiss ang libel cases na isinampa laban sa kanya ng ex niyang si Cedric Lee na ama rin ng kanyang anak.

Six libel cases pala ang ikinaso sa kanya at lima na ang dismiss.

“Isa na lang po ang natira, San Juan City case na lang since 2013. Sana matapos na ang lahat ng eto. Move on na po tayo,” sabi ni Vina.

Carla, hindi takot sa mga bigating tinatapatan ALANG-ALANG sa mga ‘ALAGA’

Hindi pa rin nagre-resume ang taping ng Love of My Life, kaya nagtatanong ang Kapuso viewers, lalo na ang sumasubaybay sa drama series kung kailan magre-resume ang taping ng favorite teleserye nila. Miss na rin kasi nilang mapanood ang mga karakter ng para sa kanila, isa sa magandang teleserye ng GMA-7.

Wala ring maisagot sina Carla Abellana, Mikael Daez, at Rhian Ramos kung kailan muli eere ito.

Natanong na rin si Coney Reyes ng isang netizen tungkol dito at walang maisagot ang aktres.

Speaking of Carla, pinupuri siya ng netizens sa sobrang pagmamahal sa mga hayop, lalo na sa mga aso. Walang sawang nagpo-post si Carla ng mga asong nangangailangan ng financial help para maipagamot o maipa-opera. Minsan, sinasagot na ng aktres ang pampa-opera sa mga aso.

Wala ring takot si Carla na pino-post pati ang mga dog meat trader na patuloy na nanghuhuli at kumakatay sa mga aso para ibenta ang karne. Alam ni Carla na mabibigat na tao ang kanyang kalaban, pero nananaig sa kanya ang pagmamahal sa mga aso na walang kalaban-laban sa kahayupang ginagawa ng mga tao.

Tatay ni Enzo, na-COVID din

COVID-19 positive si 1-PACMAN Partylist Representative Eric Pineda na ama ng Kapamilya actor na si Enzo Pineda. Dahil isa si Rep. Eric sa bumoto para hindi mabigyan ng franchise ang ABS-CBN, may mga hindi naiwasang mag-comment na naniningil na ang kasaysayan sa 70 congressmen and congresswomen na dahilan ng pagsasara ng Kapamilya channel.

Sa mga nabasa namin, pinagdududahan na rin ang loyalty ni Enzo sa ABS-CBN dahil ama niya si Rep. Eric. Kahit naging vocal si Enzo sa suporta sa network, hindi pa rin kuntento ang ibang Kapamilya fans sa suporta ni Enzo.

In fairness, may Kapamilya fan na nag-sorry kay Enzo dahil sa reaction nilang hindi nakisimpatiya sa pagkakasakit ng ama. Isa raw kasi ang ama niya kung bakit marami ang nawalan ng trabaho sa pagsasara ng ABS-CBN sa hindi pagbibigay ng Kongreso ng franchise sa Kapamilya Network.

Thai actor ng My Love… inangkin ang serye na K-drama ang original

Pinalalabas ng GMA-7 ang video ng Thai actor na si Nadech Kugimiya na pinu-promote ang pinagbibidahang Thai version ng My Love From Another Star.

Ang cute lang dahil inangkin ng aktor ang series sa sinabing “My drama series” na kung dito sa bansa ‘yan sinabi ng mga artista, maba-bash sila.

This Monday, 10:45 p.m. na ang pilot ng My Love From Another Star na katambal ni Nadech si Matt Peeranee Kongthai.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with