^

Pang Movies

Angelica nakisali sa isyu ng MTRCB

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angelica nakisali sa isyu ng MTRCB

“Inuna na nila ang free tv, ngayon pati live streaming. Baka magising tayo isang araw North Korea na tayo,” sabi sa post ng aktres na si Angelica Panganiban kaugnay ng sinasabi ng MTRCB na mai-regulate nila ang Netflix, iWant, at iba pang video providers sa internet.

Inalmahan din iyan ng mga senador. Sabi ni Senadora Grace Poe na naging chairman din ng MTRCB noong araw, “kulang na nga sa tauhan ang MTRCB, ano pa gusto nilang gawin.”

Umalma rin si Senador Franklin Drilon, na nagsabing ang dapat ngang sinisikap ay matuto ang mga tao ng self regulation.

Sinasabi rin ni Senador Sherwin Gatchalian na kailangang pag-aralan muna iyan.

Pumalag din ang mababang kapulungan. Mismong si Speaker Allan Peter Cayetano ang nagsabing “tulungan muna nila ang mga Pilipino laban diyan sa masyadong lumalaganap na K Drama at K Wave na iyan bago nila isipin ang kung ano pang regulation”.

Maging ang legal community ay nagsabing wala sa batas na makialam ang MTRCB sa internet, dahil nang gawin ang batas na lumikha sa kanila, wala pang internet.

Isa pa, sinasabi nga nilang kung may paglabag man, maaaring dalhin ang kaso sa korte, hindi kailangan ang dagdag na powers ng MTRCB.

Iginigiit naman ni MTRCB Chairperson Rachel Arenas na maliwanag ang batas, na ang pelikula o video, kahit na sa anong paraan o medium ipalabas ay nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

O eh kung ganoon naman pala, bakit kailangan pa ang kongreso para amyendahan ang batas at igiit ang kapangyarihan nilang pakialaman pati na ang palabas sa internet?

Ang mga lumalabas sa ineternet, ang alam namin, nasa ilalim iyan ng jurisdiction ng National Telecommunications Commission. Kaya nga noong una, ipina-block ng NTC ang mga website na naglalabas ng porno sa Pilipinas. Pero wala ring nangyari dahil may nagagamit namang application para mapalabas na ang nanonood ay nasa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.

Napapalitan ng application ang IP address ng user, kaya nabubuksan pa rin nila ang mga porno sites.

Sunshine ayaw tantanan ng mga naninira

Nakita rin namin ang post noong Rbb Savage. Sinabi niyang natagpuan daw si Sunshine Cruz na nakahubad at wala nang buhay sa kanyang tahanan mismo. Iniimbestigahan na raw kung ano ang nangyari.

Mayroon pa siyang pictures na may ipinapakitang body bag na supposed to be ay pinaglagyan kay Sunshine.

Galit na galit siyempre si Sunshine nang malaman iyon. Pero nang mabuko, biglang deleted na ang account noong Rbb Savage.

Sino nga ba iyang tinamaan ng kulog na paulit-ulit na gumagawa ng fake na internet account at naninira kay Sunshine? Ano ang motibo?

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with