^

Pang Movies

Mariah Carey apektado sa pagpanaw ng pinoy vlogger

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mariah Carey apektado sa pagpanaw ng pinoy vlogger

Apektado rin ang international singer na si Mariah Carey sa pagpanaw ng vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na isa sa biggest fans niya.

“So sad. RIP Lloyd, you will be missed. Sending my prayers to his family and friends during this difficult times,” mensahe ni Mariah sa kanyang social media account.

Isa naman si Maine Mendoza sa local celebs na nalungkot sa biglaang pagpanaw ng sikat na vlogger.

Bahagi ng tweet ni Meng : “Masaya ako na nameet kita in person at nasabi ko sayo na marami kang napapaligaya, isa na ako doon.

“I-decorate mo in heaven ng bonggang-bongg at pasayahin mo pa ang mga angels doon. Gusto nila yooon! Rest easy, kween @LloydCadena.”

I can... iba-iba ang kuwento

IBA-IBANG artista ang istorya kada linggo ang hatid ng bagong Kapuso series na I Can See You.

Sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ang pambuwena-manong handog sa episode nilang I Can See You Love on the Balcony.

Bibida naman sina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi at Benjamin Alves sa I Can See You: The Promise.

Ang ilan pang titles sa series na kaabang-abang ay High Rise Lo­vers at Truly, Madly, Deadly.

Ngayong September mapapanood ang I Can See You.

vuukle comment

MARIAH CAREY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with