^

Pang Movies

Mga anak ni Jackie Lou gumawa ng solar lamp

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naging sulit naman daw ang ilang buwang quarantine para kay Jackie Lou Blanco dahil nagkaroon siya ng maraming panahon para sa kanyang mga anak at sa kanyang one-year granddaughter na si Jacqui. Si Jacqui ay apo ni Jackie Lou sa panganay na si Kenneth.

Bilang lola ay ini-enjoy ni Jackie ang makasama at maalagaan ang kanyang apo.“Iniisip ko parang anak ko na rin siya. It’s just that wala ako masyadong responsibility kasi lola na lang ako. Pero parang ganun din. Hahabulin mo, tuturuan mo ng kung ano, babasahan mo ng libro, things I used to do to my own children,” sey ni Jackie.

Nagkaroon naman sila ng project ng kanyang mga anak na sina Rikki Mae at Arabela na gumawa ng solar lamp para sa ilang communities na wala pang kuryente.

Dahil matagal na walang acting project si Jackie dahil sa pandemic, iniisip nitong mag-take up ng online acting workshop para ma-refresh ang kanyang utak sa pag-arte ulit. “Why not, ‘di ba? Open naman tayo sa puwedeng ma-offer ng mga online acting workshops ngayon. Yung makaarte ka lang ulit kahit sa workshop lang,” diin pa niya.

At siyempre, hindi pinagpaliban ni Jackie ang maging fit ang kanyang katawan kahit naka-quarantine. May in-accept nga raw siyang Push-Up challenge kung saan kailangan niyang magtala ng 25 push-ups a day para mabuo niya total na 625 push-ups.

Robert Pattinson, na-COVID din

Muling natigil ang filming ng pelikulang The Batman dahil kumpirmadong positibo sa COVID-19 ang bida ng project na si Robert Pattinson.

Kinumpirma ito sa isang report sa Vanity Fair na nagmula sa Warner Bros. Studio na may isang member ng The Batman production ang may COVID-19 “and is isolating in accordance with established protocols. Filming is temporarily paused.”

Seven weeks na natengga ang production ng The Batman dahil sa pandemic, pero kailangan nilang itigil ulit. May three months pa silang kailangan bunuin para matapos ang buong pelikula.

Marami pa naman ang na-excite nang ma-release na ang two-minute trailer ng The Batman na may higit sa 21 million views na.

Inurong ng Warner Bros. ang original playdate ng The Batman from July 2021 to October 2021.

Rachelle Ann, spoILed sa mister

Naging simple lang ang 34th birthday celebration ni Rachelle Ann Go noong nakaraang August 31. Kasalukuyan siyang nasa London kasama ang kanyang mister na si Martin Spies.

Sa kanyang Instagram ay pinost ni Rachelle ang mga photos kasama ang kanyang mister sa araw ng kanyang birthday. Namasyal sila sa kung saan-saan at nag-dinner silang dalawa. “My heart is as big as this from all the love I got for my birthday yesterday Maraming Salamat!!! Praise God for another year, His love and faithfulness. To my husband who spoiled me over the weekend, thank youuuuuu. Some of my birthday prayers are for everyone to have a peaceful, hopeful & joyful heart... Also, healing for the broken heart and wounded spirit. You are not alone, YOU are #loved.” caption pa niya.

Dahil sa pinagbabawal pa ang mga mass ga­thering, sarado ang mga theater sa London kaya ilang buwan na ring bakasyon sa kanyang trabaho bilang stage actress si Rachelle. Kaya naman naisipan na nitong magkaroon ng sariling YouTube channel.

Post ni Rachelle sa IG, “I’ll be showing you snippets of some houses my husband and I fell in love with and how we found ‘THE ONE’!”

vuukle comment

JACKIE LOU BLANCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with