^

Pang Movies

Bashers malungkot...Sen. Bong nakalabas na ng isolation room

Salve V. Asis - Pang-masa
Bashers malungkot...Sen. Bong nakalabas na ng isolation room
Sen. Bong

MANILA, Philippines — Nakalabas na ng isolation room si Sen. Bong Revilla kahapon. Kaya tiyak, malungkot ang bashers niya na wini-wish na may mangyaring masama sa kanya.

Ito ang update niya kahapon : Thank you dear God! Salamat sa lahat ng nagpaabot ng inyong pagkalinga at panalangin.

“My quarantine is done.

“Just today, my doctors advised me that I can already go out of my isolation room. After over a month, I can finally be with my family na walang pangamba whatsoever.

“Thank you, Lord for Your healing and grace in helping me get through this. Di ko din alam paano ko ito malalampasan without all of you. Maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal at pag-alalay sa akin.”

Ilang beses ding kumalat ang fake news habang naka-quarantine si Sen. Bong na diumano’y namatay na siya.

Kapamilya network, wagi ng Gawad Pedro Bucaneg mula sa UMPIL

Iginawad ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) o Writers Union of the Philippines ang Gawad Pedro Bucaneg sa ABS-CBN para sa mga natatanging ambag nito sa edukasyon, paglaganap ng kultura sa pamamagitan ng TV at pelikula, at pagsalba sa mga klasikong pelikulang Pilipino gamit ang makabagong teknolohiya.

Kinilala ng pinakamalaking samahan ng manunulat sa bansa ang mga ginawang inobasyon ng Kapamilya network para sa edukasyon tulad ng mga programang Sines’kwela, Mathtinik, Hiraya Manawari, Bayani at Pahina na ipinalalabas sa mga pampublikong paaralan.

Binigyang-pugay rin nila sa pagiging “kanlungan” nila ng maraming manunulat ng soap opera o teleserye. Pinuri rin nila ang pagsisikap ng network na masalba ang mga klasikong pelikulang Pinoy na pinangungunahan ng ABS-CBN Film Archives at ABS-CBN Film Restoration.

“Tinatanggap ng ABS-CBN ang gawad na ito at gagamiting inspirasyon para bumangon, gaano man kahirap,” sabi ng senior writer nilang si Jerry Gracio, na tumanggap ng parangal noong Sabado (Agosto 29) sa online ceremony na ipinalabas sa Facebook page ng UMPIL.

Iginawad ang parangal sa Kapamilya network matapos tanggihan ang renewal ng prangkisa nito noong Hulyo 10 kaya hindi sila napapanood sa free TV.

Sa kabila nito, patuloy pa rin sila sa pagsusulong nito sa kulturang pampanitikan sa pagpapalabas ng mga programa nito sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.

Sa kasalukuyan, umaagapay sila sa mga estudyante sa tulong ng Knowledge Channel, na naglunsad kamakailan lang ng School at Home  programming, bilang suporta sa alternative distance learning ng gobyerno ngayong pandemya.

Aabot naman pala sa 190 ang pelikulang naisaayos ng Film Restoration nila, na naglunsad rin ng webinar ukol sa film restoration kamakailan lang sa pakikipagtulungan ng student-organization na PILAK.

Maliban sa ABS-CBN, ginawaran din ng UMPIL ang mga magagaling na Pilipinong manunulat ng Gawad Pambansang Alagad ni Francisco Balagtas at Gawad Paz Marquez Benitez.

Dahil sa kasalukuyang krisis pangkalusugan, idinaos ng unyon ng mga manunulat ang seremonyas online, imbes sa nakagisnang araw ng parangal tuwing Abril o Buwan ng Panitikang Pilipino.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with