^

Pang Movies

Healing Galing, ina­apelang ibalik

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naisip ko uli ‘yung Healing Galing na TV show ni Dra. Edinel Calvario, Salve. Kasi nga ang dami talagang nag-react nang malamang baka tuluyan na itong mawala sa TV.

Marami pala talagang mga senior citizen at mga mahilig sa mga medical show ang nanonood ng Healing Galing. Marami kasi itong itinuturo na mga paraan para maiwasan ang sakit at gumaling sa pamamagitan ng mga halaman.

Kung paniniwalaan ko nga ‘yung sister at sister-in-law ko, gumaling sila dahil sa mga prescription na gamot ni Dra. Edinel Calvario.

Sana naman ay makita ng TV5 ang malaking tulong ng Healing Galing sa maraming viewers nito lalo na mga senior citizen.

Sayang ang naitutulong ng programa kung hihinto ito. Please. Paging TV5.

Comfort movie, hindi nakakasawang ulit-ulitin

Nagiging gauge ko na pag nagustuhan ko ang isang palabas ay pag puwede ko uli itong panoorin.

Hindi ba pag talagang gusto mo ang istorya kahit ulit-ulitin mo pa, naroon pa rin ang excitement?

Actually nga ang comfort movie ko o serye ay ‘yung Korean drama na Weightlifting Fairy, na pag I feel sad o down, wina-watch ko siya, kasi para siyang isang memory lane sa akin.

‘Yung mga nangyayari sa high school, ‘yung innocence mo pag bata ka pa at wala pang malisya sa mundo, iyon ang feeling ko pag napapanood ko ang Weightlifting Fairy, kaya comfort movie ko siya. Hah hah na para kang young uli, inosente uli, bongga.  No cares in the world. Iyan ngayon dapat emotion natin, stop the worry, go on. 

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with