^

Pang Movies

Offer na pakikipag-ayos ni Joshua, inisnab ni Gerald

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Wala naman daw siyang sama ng loob, at sa kanya ok lang naman ang lahat, pero inamin ni Joshua Garcia na nagkakailangan pa rin sila ni Gerald Anderson.“Napakaliit ng industriya nating ginagalawan, ayoko noong may naiilang kang makasalubong,” sabi ni Joshua.

Sinasabi kasi na ang panliligaw ni Gerald noon sa dating syota ni Joshua na si Julia Barretto ang dahilan ng kanilang split. Nagkasama noon sa isang pelikula sina Gerald at Julia. Si Julia naman ang sinasabi ngang third party sa break-up nina Gerald at Bea Alonzo. Kung tutuusin, mas lumaki pa nga ang usapan tungkol kay Bea dahil siya ang kinampihan nina Gretchen at Claudine Barretto na tiyahin ni Julia.

Bagama’t nag-deny naman sina Julia at Gerald na may relasyon sila, tumibay ang paniniwala ng mga tao dahil sa inamin ni Dennis Padilla na kinausap niya si Gerald at umamin sa kanya na nililigawan nga si Julia. Ang sabi pa ni Dennis, pinaalalahanan niya si Gerald na anak niya si Julia.

Hindi naman masyadong apektado ng controversy si Joshua. Wala naman siyang kasalanan at nanahimik na lang siya, pero noon pa man obvious na umiiwas na siya kay Julia. Pero ngayon nakalipas na nga siguro ang mabigat na kalooban, sinabi pa ni Joshua na nag-text siya kay Gerald, at sinabi niyang sana makapag-usap sila. Pero hanggang ngayon daw, hindi sinasagot ni Gerald ang kanyang text. Ang ­feeling naman ni Joshua, at least ginawa na niya ang first move, at wala naman siguro siyang ibang magagawa maliban doon.

Kung sa kabila ng kanyang move ay ayaw pang makipag-usap ni Gerald sa kanya, ano nga ba ang magagawa niya. At least naipakita niyang siya ay walang sama ng loob.

Actor/Director na si Cloyd Robinson, namatay sa atake

Lunes, o kamakalawa ng gabi ay sumakabilang buhay naman ang actor at director na si Cloyd Robinson. Siya ay 70 years old. Sinasabing siya ay nagkaroon ng heart attack na ang sanhi ay ang kanyang diabetes. Matagal nang hindi active si Cloyd sa pelikula, kasi na-stroke na siya noon at medyo hirap na ring magsalita.

Huli naming nakita si Cloyd sa bahay at shop ni Oskar Peralta sa Makati. As usual mahaba ang naging kuwentuhan namin tungkol sa nakaraang panahon.

May panahong si Cloyd ay aktibo bilang director at talent discoverer din. Kabilang sa mga naging talent ni Cloyd noon sina Al Tantay at si Patrick dela Rosa. At siya ang pinakasikat na nakatira noon sa Laperal Apartments diyan sa Recto Avenue.

Sa natatandaan namin, nakilala namin si direk Cloyd mga late sixties pa. Bago pa ang martial law.  Noong una, singer si Cloyd, hanggang nang malaunan ay naging artista na rin nga. Na­ging barkada rin iyan noon ng beteranong writer, ang kontrobersiyal ding si Justo Justo. Naging barkada rin siya ni Giovanni Calvo.

Siguro masaya na silang nagkita-kita ngayon.

Hindi gumawa si Cloyd ng mga pelikulang classic, pero ang ginawa niyang mga pelikula ay naging malalaking hits noong kanyang panahon. Malapit din sa press people si Cloyd, dahil lagi siyang may bagong kuwento basta nakausap mo.

May panahon ngang muntik pang maging darling of the press si Cloyd.

Matagal na rin namang nahihirapan si Cloyd sa kanyang sakit. Ngayon nga siguro nakatagpo na siya ng ginhawa sa kanyang pagyao.

Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with