^

Pang Movies

Billy, magkakaroon ng noontime show sa TV5?!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Gaano kaya katotoo ang balita na maghu-host sa isang noontime show on TV5 si Billy Crawford and other talents na magmumula sa Kapamilya Network? 

Ang balitang ito ay hindi nakapagtataka dahil bukod sa libu-libong emple­yado ng ABS-CBN, marami ring talents (actors, radio and TV anchors, TV hosts, directors, executive producers, writers, researchers, etc.) na nawalan ng trabaho dahil sa pagkakait ng mga kongresista sa panibagong prangkisa ng Kapamilya Network.

May balita pang magkakaroon umano ng programa ang mag-amang Gabby Concepcion at KC Concepcion.

Since parang open field ngayon ang TV5 sa mga blocktime producers, hindi kami magtataka kung may producers from ABS-CBN ang magpu-produce ng iba’t ibang programa sa Kapatid Network.

Cloyd, hindi namatay sa COVID

Sumakabilang-buhay na ang veteran actor-director na si Cloyd Robinson noong nakaraang Lunes, August 31 ng 9:10 p.m. sa edad na 71 dahil sa atake sa puso.

Kahit walang kinalaman sa COVID-19 ang ikinamatay ng actor-director ay agad itong pina-cremate dahil hindi umano pumayag ang health center sa kanilang lugar na siya’y iburol pa sa rami ng COVID-19 patients sa Silang, Cavite (malapit sa border ng GMA) kung saan ipinagbabawal pa rin ang mass gathering.

Gayunpaman, nananawagan ng tulong pinansyal ang mga kaanak ni Cloyd dahil kulang pa umano ang kanilang pambayad sa cremation.

Kung sino man ang nagnanais na magpaabot ng tulong para kay Cloyd ay mangyari lamang makipag-ugnayan kay Rhosnel Encarnacion sa teleponong 0915-1627732 at puwedeng ipadala sa pamamagitan ng GCash.

Samantala, si Cloyd ay co-director ni Erastheo `Baby’ Navoa sa pelikulang Darna at Ding na pinagbidahan nina Vilma Santos at Niño Muhlach in 1980.

Ilan sa mga pelikulang ginawa noon ni Cloyd bilang actor ay ang Risa Jones: Showgirl in 1979, Super Ranger Kids in 1997, Barang in 2006, I’ve Fallen For You in 2007 at ang short film na Ang Mananahi na dinirek ni Dave Cecilio.

Jose Mari Chan, buhay na buhay ang career

Simula na ng `ber’ months, Salve A., isang indikasyon na nalalapit na ang Kapaskuhan.

Traditionally, ang Pilipinas lamang sa buong mundo ang may pinakamahabang paghahanda ng Pasko na nagsisimula sa buwan ng September na nagtatapos sa unang linggo ng Enero, araw ng tatlong hari.

Pero gaano man kahirap ang kinakaharap ngayon ng Pilipinas at maging ng buong mundo, ang araw ng Pasko ay hindi puwedeng palampasin lalo na ng mga Filipino.

Samantala, dahil September na, usong-uso na naman ang mga Christmas songs lalo na ang mga kantang Pamasko na pinasikat ng singer-composer na si Jose Mari Chan.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with