^

Pang Movies

Netizens, umay na sa boobs at puwet nina KC at Kiray

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Grabe ang levelling kina KC Concepcion at Kiray Celis at hindi nito magrereklamo si Kiray dahil kay KC na siya ikinumpara. Dahil ito sa mga pose nila sa kani-kanyang Instagram page.

Kung si KC daw ay mahilig mag-post ng photos na pinapakita ang boobs, si Kiray naman, ang puwet ang panlaban. Nakakatawa ang nag-comment na mas madalas niyang makita ang boobs ni KC at puwet ni Kiray kesa boobs at puwet niya.

Pero, aminado ang netizens na boobsie si KC at may karapatang i-flaunt ang kanyang asset na hindi lahat ng girls ay binibiyayaan.

Pinuri rin nila ang makinis at maputing puwet ni Kiray at sa ganda ng puwet nito, hindi na kailangan pang magpalagay ng filler o kung anuman ang inilalagay para magka-puwet.

Sunud-sunod pala ang post ni KC na kita ang kanyang boobs o kaya’y cleavage at napagod na ang bashers sa kaka-bash sa kanya. May rason ang playful poses ni KC, ayaw na raw niyang ma-stress sa COVID at umiiwas tiyak sa COVID-19, kaya ilang buwan na siya sa The Farm sa San Benito sa Lipa, Batangas.

Ted pinagtanggol ni Karen sa isyung spreader ng fake news

Wala pang sagot si Ted Failon sa akusasyon ni Jim Paredes na spreader ng fake news si Ted at nag-disagree sa tweet ni Karen Davila na “isa si Ted sa pinakamagaling at pinakamalalim magkomentaryo sa radio.”

Nang mag-comment ang isang netizen ng “name one fake news he spread,” mabilis ang sagot ni Jim na kumampi raw si Ted kay Persida Acosta sa issue ng Dengvaxia. “He did not speak out against the manufactured data on deaths her office was touting even when top doctors and experts were contradicting her. Because of that, he eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc.”

Samantala, sa kanyang farewell speech sa DZMM, nabanggit ni Ted na araw-araw siyang umiiyak dahil sa lungkot na after 30 years, wala na siya sa ABS-CBN. Kinuwento rin nito ang pagtanggap sa kanya ng ABS-CBN noong June 1990 at ang ibinigay na suporta sa kanya ng network. “Napakalalim po at personal ang aming pinagsamahan...Maraming salamat po sa lahat pong aming mga kapamilya na nandiyan pa rin ngayon nanonood sa amin. Wala pong pagsidlan ng kaligayahan po na kayo po ay nandyan pa rin at nauunawaan ang mga pangayayaring ito. Sa inyong lahat, Kapamilya, maraming maraming maraming salamat po.”

Miguel, kinaaliwan sa version ng Dynamite

Magrereklamo nito ang fans ni Ruru Madrid dahil siya na ginagaya lang ang fashion style ng BTS member na si Taehyung, na-bash na ng BTS Army at tinawag pa ngang “clout chaser.” Sinabihan pa si Ruru na tigilan ang panggagaya kay Taehyung.

Pero si Miguel Tanfelix, wala mang ginagayang BTS member sa fashion style, ginaya naman ang choreography ng BTS sa latest single nilang Dynamite. Pinost ni Miguel ang video habang nagsasayaw at katakut-takot na papuri ang aming nabasa sa IG page nito.

Ang galing-galing daw ni Miguel, may nag-comment pa na cute fanboy ng BTS si Miguel at may nag-request pang i-post na niya sa TikTok ang Dynamite dance niya para ulit-ulitin nilang mapanood at magaya na rin.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with