^

Pang Movies

Matteo aminado Sarah natuto nang maging bulletproof!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Kitang-kita ang pagmamahal na meron sa isa’t isa ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa katatapos lamang na first online concert nila para sa Share the Love charity project ng isang supermarket.

Sa isang parte ng concert ay nagpasalamat ang mag-asawa sa isa’t isa at sa totoo lang, ngayon lang namin nakita si Sarah na ganito ka-vocal sa kanyang nararamdaman.

Si Matteo muna ang unang nagpasalamat sa misis. Aniya,”thank you very much for being you all the time, and not faking who you are, not just to me but to my family and to our friends.

“Sometimes, you always tell me, ‘love, hindi ako ganyan, hindi ako ganyan,’ but I trust in you and I trust in God that you’re learning every single day to be a stronger woman every single day.

“And I love you for that because you’re learning about life every single day and you’re becoming a stronger, more independent, bulletproof woman every single day and I am seeing it from my own eyes.

“So I’m very proud of you and I will love you for the rest of my life. I love you, love,” pahayag ni Matteo at ginawaran ng masuyong halik sa pisngi ang asawa.

When it was Sarah’s turn to speak, naging emosyonal ang si Popstar Royal­ty. At nakakatuwang malaman kung paano naman si Matteo since mostly ay puro ang aktor ang naririnig nating magsalita about his wife.

“To you love, thank you for everything. Yung mga simpleng bagay lang na gina-guide mo ako, ina-assist mo ako whenever I work from home, nu’ng nag-lockdown. Ikaw ang nag-aasikaso ng camera, ng ilaw, grabe yung efforts mo at saka walang hinihinging kapalit ‘yun every time you do it. You just do it out of love and not obligation.

“So, naa-appreciate ko ‘yun, sobra kong naa-appreciate lahat ‘yun kahit hindi ko nasasabi sa ‘yo,” pahayag ni Sarah.

“And what else?” tila nag-iisip pang sabi niya pero gumaralgal na ang boses, “parang maiiyak naman ako!” she said.

At pagkatapos ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-spoiled kay Matt.

Kontra naman ni Matteo, “hindi naman, hindi naman baligtad.”

Patuloy ni Sarah,“siya ‘yung maasikaso talaga, nagluluto. May efforts naman ako, love, no?”

Sagot naman ni Matt, “of course.”

Sa bandang huli ay hindi rin nakalimutang pasalamatan ng mag-asawa ang kanilang magulang. “And of course, to our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab, at sa lahat ng aking dogs, I love you all so, so, so, so much,” sey ni Sarah.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with